Narito ang mga pagbabagong dulot ng Memorandum Circular no. 13 na tumutukoy sa mga Pilipinong nagtataglay ng permesso per attesa occupazione o nawalan ng trabaho.
Ang Memorandum Circular no. 13 ay inilabas at simulang ipinatupad nitong nakaraang Disyembre 2015 ukol sa pag-iisyu ng Overseas Employment Certificate (OEC) o exit pass sa mga Pilipino sa Italya.
Ito ay naglalaman ng mga bagong tagubilin at requirements para sa mga tinatawag na ‘Balik Manggagawa’ batay sa uri ng dokumentasyon ng pananatili sa Italya.
A. Permesso di Soggiorno Lavoro Subordinato
Ayon sa Circular, nananatiling requirements ang proof of employment. Maaaring sa pamamagitan ng employment contract, busta paga, pinaka huling Inps contributions o dichiarazione lavoro domestico.
Samantala, ang mga kabataan na may edad 23 pababa na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification at kasalukuyang nagtataglay ng permesso per lavoro subordinato ay kailangang maipakita ang proof of employment para sa issuance ng OEC.
B. Attesa Occupazione
Ito ang mahalagang nilalaman ng Circular. Ang permesso attesa occupazione ay ang uri ng permit to stay na ibinibigay sa mga dayuhang nawalan ng trabaho. I-isyuhan lamang ng OEC ang mga unemployed Balik Manggagawa matapos ipakita ang kopya ng pagpapatala sa Centro per l’Impiego bilang walang trabaho.
C. Carta di Soggiorno
Ang sinumang mayroong ganitong uri ng dokumento ay hindi kailangan mag-aplay ng OEC.
D. Lavoro Autonomo
Ang mga self-employed na Pilipino sa Roma ay hindi kailangan mag-aplay ng OEC.
E. Motivi Familiari
Ang sinumang mayroong ganitong uri ng dokumento na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification at kasalukuyang nagtataglay ng permesso per lavoro subordinato ay kailangang maipakita ang proof of employment para sa issuance ng OEC.
Malinaw na ang pagbabago ay nakalaan sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho o nagtataglay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione.
Gayunpaman, simula noong Abril 6, 2014 sa ilang uri ng permit to stay o permesso di soggiorno na may isa o dalawang taong validity tulad ng mga permesso di soggiorno per motivi familiari ay makikitang nakasulat ang salitang “permesso unico lavoro” at nangangahulugang pinahihintulutang makapag-trabaho. Samakatwid, malinaw na simula 2014 ay hindi lamang ang permesso di soggiorno per lavoro subordinato ang may pahintulot mag-trabaho bagkus maging ang ilang uri ng permit to stay tulad ng permesso di soggiorno per motivi familiari.
Basahin:
OEC O EXIT PASS, para sa Balik Manggagawa lamang
Ang Circular 13 (unang pahina)
Ang Circular 13 (ikalawang pahina)