Isinulong sa Lower house ni Andrea Maestri (AL-Possibile). “Ito ang pinakamabilis na paraan upang tanggalin ang diskriminasyon”. Kailangang hintayin ang kilos ng majority na nangako ng isang solusyon.
Roma, Enero 26, 2016 – Dalawang linya upang matanggal ang diskriminasyon. Dalawang linya lamang upang hindi itanggi sa mga anak ng mga imigrante ang bonus cultura na nagkakahalaga ng 500 euros na maaaring magamit sa mga libraries, cinema, theatres at museums na simula ngayong taon ay ibibigay ng estado sa sinumang magiging 18 anyos.
Ang bonus ay isinama ng gobyerno sa Stability law 2016, ngunit ang 500 euros ay pakikinabangan lamang ng mga “mamamayang Italyano o EU nationals”.Ang isang 18 anyos na ipinanganak at lumaki sa Italya na anak ng dayuhan ay hindi matatanggap ang regalo ng estado sa pagsapit ng kanyang kaarawan.
Ngunit, isang diskriminasyon buhat sa gobyerno ni Renzi at ng PD sa mga kabataang kanilang pinangakuan ng reporma sa citizenship? Isang nakakahiyang pagkilos, isang pagkakamali ayon sa majority na nangako rin ng solusyon.
Sumapit na ang tamang pagkakataon, isang susog sa decreto Milleproroghe ang inaasahang makakarating sa Parliyamento. Isinulong ng majority? HINDI! Ang lumagda sa susog ay si Andrea Maestri at tatlong iba pang deputies ng Alternativa Libera-Possibile, Pippo Civati at Luca Pastorino at Beatrice Brignone.
Sa susog ay simpleng nasasaad na ang bonus cultura ay ibibigay rin sa sinumang naninirahan sa Italya, may sapat na gulang upang tanggapin ang bonus anuman ang nasyunalidad. Ang mahalaga ay naninirahan sa Italya at ang edad na 18 anyos, ng hindi isasaalang-alang ang citizenship na minana sa mga magulang. Sa ngayon ay kailangang maghintay kung ang PD at ang mga kaalyado nito, matapos ang mga naging pahayag ilang linggo pa lamang ang nakakalipas, ay mag desisyong bumoto ng pabor sa susog.
“Ito ay ang pinakamabilis na paraan upang tanggalin ang napakalaking diskriminasyon na kasing laki tulad ng isang bahay”, ayon kay Andrea Maestri sa Stranieriinitalia.it, na sa labas ng Montecitorio ay isang abugado ng mga imigrante. “Ang pagtatanggal sa mga kabataang dayuhan ay hindi makatarungan at maaaring tutulan batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng nasasaad sa Konstitusyon at Batas sa Imigrasyon“.
“Si Renzi ay hinangaan ng sabihing ang kultura ay isang instrumento ng integrasyon, pagkatapos ay hindi isinama ang mga kabataang dayuhan. Humingi naman ng paumanhin ngunit nakalimutan ang bigyan ito ng solusyon sa Milleproroghe. Sa ngayon, ito ay aming sinusubukan at inaasahan namin ang kanilang kolaborasyon, tanggapin ang susog at bumoto sila ng pabor”, ayon pa se deputy at sinabing ang susog ay may minimal na epekto sa usaping pananalapi ng estado.
Kung ang susog ay hindi tanggapin, ang bonus marahil ay magtatapos sa hukom: “Mayroon ng lahat ng kondisyon para sa isang collective anti-discrimination action at ang ilang asosasyon ay handa na itong isulong”, ayon kay Maestri. Kung sakaling nais itong iwasan ni Renzi at ng kanyang partido.