Magtatapos sa Feb. 3 ang general discussion sa Constitutional Affairs Committee, pagkatapos ay ilang pagdinig. Razzi (FI) “Hindi makatwiran na maging ganap na Italyano ang mga anak ng mga imigrante”.
Roma, Enero 27, 2016 – Bagaman dahan-dahan ay patuloy ang pag-usad ng reporma ng citizenship.
Ang general discussion sa Constitutional Affairs Committee ng Senado ukol sa panukala (disegno di legge) na inaprubahan sa Kamara ay magtatapos ng Miyerkules, February 3. Pagkatapos ay isang ikot ng informal hearing kung saan marahil pakikinggan ang mga eksperto at mga asosoasyon at samakatwid ay hahantong sa pagtalakay sa mga susog at botohan na magtatapos sa isang teksto para sa final reading nito.
Ito ang naging desisyon kahapon sa tanggapan ng presidente ng Committee. Pagkatapos ay nagpatuloy sa diskusyon, kung saan apat na senador ng Forza Italia ang nagsalita. Tulad ng inaasahan, naging masyadong kritiko ang mga ito na maaring maging panganib sa pag-usad ng reporma.
Si Remigio Ceroni ay binuksan ang katatapos lamang na terorismo sa Paris, na ang mga master mind ay itinuturing na second o third French generation. At samakatwid ay iniisip “na ang panukala ng pagbibigay ng Italian citizenship batay sa prinsipyo ng ius soli o ius culturae, ay mapanganib na paraan ng pagtanggap sa malaking bilang ng mga tao na marahil isang araw ay maging isang panganib sa seguridad ng bansa”.
Ayon kay Marco Marin, ang reporma “ay malamang na maging sanhi ng malalim at hindi masusulusyunang pagitan o gap sa sosyedad, tulad ng panukala ng gay marriage. Bukod dito, ay maaaring makahikayat sa illegal migration na hindi naman mabibigyan ng maayos na katugunan”, bilang resulta ay marahil walang pag-aalinlangan na samantalahin ng mga employer ang mga dayuhan o ang umasa na lamang sa social assistance o ang magsimulang masangkot sa mga krimen.
Si Emilio Floris ay kinalkula naman ang mga future Italians: “800,000 ang mga magiging Italians agad at higit sa 50,000 ang magiging naturalized bawat taon. Ang epekto nito sa ekonomiya at seguridad ay negatibo at upang magkaroon ng mas epektibong integrasyon ay mangangailangan ng karagdagang budget na sa kasalukuyan ay hindi kayang ibigay ng Italya.”
Hindi rin pabor sa reporma kahit si Senator Antonio Razzi na isa ding migrante. Sa Committee ay tinalakay ang kontribusyon ng pamilya bilang pangunahing sangay ng lipunan para sa socialization at transmission ng halaga at prinsiyong nauugnay sa pagkamamamayan. “Ito ay gagamitin lamang dahil ang ituturo naman ng mga magulang na imigrante sa kanilang mga anak ay ang sariling tradisyon at kultura”.