in

National Youth Movement for West Philippine Sea Europe Chapter, inilunsad sa Roma

Layunin ng paglulunsad ng NYMWPS Europe Chapter ang mapapalalim ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa halaga ng West Philippine Sea sa ekonomiya at politikal na usapin ng Pilipinas.

Roma, Enero 27, 2016 – Sa pangunguna ni Dr. Celia Lamkin, ang National Youth Movement for the West Philippine Sea Founder at Global Chairperson at pakikipagtulungan ni Mher Alfonso, ang Co-Founder at Chairperson ng Bantay West Philippine Sea Italy ay inilunsad noong nakaraang linggo, January 24, 2016 sa Roma ang National Youth Movement for the West Philippine Sea (NYMWPS) Europe Chapter o ang Pambansang Kilusan ng mga Kabataan para sa West Philippine Sea.

Apat ang pangunahing layunin sa paglulunsad ng kilusan: 1) ang tahasang ipahayag ang posisyon ng mga kabataang Pilipino na kinikilala ang karapatan at integridad ng Pilipinas sa pagkilala nito sa West Philippine Sea bilang bahagi ng bansa batay sa batas internasyunal; 2) ang palalimin pa ang pagiging pagkamakabayan ng mga kabataan; 3) ang epektibong edukasyon ukol sa halaga ng West Philippine sea sa usapin ng ekonomiya at politikal ng bansa; 4) at ang hayaan ang mga kabataang ito na lumahok sa mga aktibidad ng pangangalaga hindi lamang sa yamang dagat bagkus pati na rin sa pakikipaglaban sa karapatang ng mga islang bahagi ng karagatang pinagtatalunan.

Sa araw ng paglulunsad ay kapansin-pansin ang pagdalo ng maraming kabataang ipinanganak at lumalaki sa Italya. Bagaman kilala at alam ang isyu ukol sa West Philippine Sea, inaasahang sa tulong ng mga bagong hinirang na mga opisyales ng Europe Chapter ay mapapaigting pa ang pananaw ng mga ito.

Samantala, ang mga kinatawan buhat sa dalawang Embahada – Consul General Leila Lora Santos ng P. E. to Italy at Vice Consul Melgrace Villamayor ng P.E. to the Holy See, kasama si Weloff Loreta Vergara, ang Polo OIC at ang mga kilalang leaders sa Roma ay mainit ring sinuportahan ang magandang simulain ng kilusan. Ginanap din sa araw ng paglulunsad ang panunumpa ng katapatan sa mga layunin ng kilusan ng mga opisyales na nagkakaisa sa iisang layunin.

 

                   Ang mga bagong hinirang na opisyales ng NYMWPS

 

President: Cristopher Buenaflor

1st Vice President: Rudy Garcia Magmanlac

2nd Vice President: Louie Ann Malazan

3rd Vice President: Joy Ragudo

Secretary: Khristine Piano

Auditor: Jorie Luzon Marasigan

Press & Media Officer: Gabriel Thomas Garcia

Lubos ang aking pasasalamat sa suporta at pagtitiwala sa amin. Kami po ay nananawagan. Ang samahan pong ito ay bukas sa lahat ng mga kabataan mula 13 hanggang 17 yrs old (with parent’s consent) at hanggang 35 yrs old mula sa Italya at buong Europa. Inaasahan po namin na bago gawin ang pagdiriwang ng Independence Day ay aming mailunsad ang aming unang nagkakaisang proyekto”, pagtatapos ni Cristopher Buenaflor, ang Presidente ng NYMWPS.

 

                      Ang Pambansang Awit na pinangunahan ng mga kabataan ng Vocals

 

Mga kilalang leaders sa Roma na sumuporta sa bagong Pambansang Kilusan ng mga Kabataan

 

 

                                                               Ang mga panauhin

 

ni: PGA

larawan nina Boss Ramos at Jorie Luzon Marasigan

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Forza Italia, hinahadlangan ang pag-usad ng reporma sa pagkamamamayan

5825 euros, ang halaga ng assegno sociale ngayong 2016