Ang italian language ay ang huling pagsubok upang magkaroon ng carta di soggiorno. Ngunit ang bilang ng mga pasadong imigrante ay iba-iba sa bawat probinsya: pagkukulang ng mga imigrante o ng mga sumusuri ng test?
Roma, Enero 29, 2016 – Pinakikinggan ang iba’t ibang registrations, nagbabasa ng mga kwento at sasagutan ang mga katanungan ukol sa nilalaman ng mga ito. Pagkatapos ay magsusulat ng maikling teksto bilang sagot sa isang imbitasyon o pagdiriwang o sa isang postcard.
Ito ang kabuuan ng pagsubok na dapat ipasa ng mga imigrante na nais magkaroon ng EC long term residence o carta di soggiorno. Isang uri ng dokumento na hinahangad ng marami dahil mayroong indefinite validity ito at samakatwid ay malaya na sa renewal ng normal na permit to stay na tila isang krus para sa mga imigrante.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Civil Liberty and Immigration ng Ministry of Interior, hanggang noong nakaraang Jan 5, ay umabot sa 838.176 ang mga aplikasyon para sa Italian language test. Simula ng nagkaroon ng test, ayon sa Viminale, “ang 423 mga tanggapan sa buong bansa para sa pagsusulit ay nagkaroon ng 24.638 test sessions at nag-schedule ng 795.928 dayuhan. Sa bilang na ito 601.856 lamang ang tumugon at ang pumasa naman ay 475.647, habang 126.209 naman ang mga hindi pumasa”.
Kung isasaalang-alang ang kabuuan ng mga datos na buhat sa lahat ng prefecture, ang 80% ng mga sumailalim sa test ay pumasa at nagkaroon ng carta di soggiorno na pinatunayan ang kaalaman sa wikang italyano. Ngunit kung titingnan ang detalye ng bawat prefecture ay makikita na ang sitwasyon ay iba-iba.
Halimbawa? Kung ang mga imigrante sa Milan ay nasa average na 79% ang mga pumasa, ang mga imigrante sa Roma at Genoa ay 87% naman, higit na magagaling ang mga imigrante sa Napoli, 89% at sa Torino naman ay 94%. Samantala, mayroon din lugar kung saan ang bilang ng mga imigrante na pumasa ay mas mababa sa average tulad sa Bergamo 76%, sa Venice at Modena 74%, Verona at Treviso 72%, Vicenza 68% at Brescia 67%.
Mainam na maunawaan ang dahilan sa likod ng malaking pagitan sa bilang ng mga pumasang imigrante sa bawat probinsya: pagkukulang ba ng mga ito ng mga imigrante? O bukod sa kaalaman sa wikang italyano ay dapat ding isaalang-alang ang naghanda ng test at lalong higit ang nagsuri sa mga resulta nito? May panganib na bukod sa preparasyon ay nakaka-apekto rin ang ‘swerte’ ng mapupuntahang prefecture.