in

Ihanda ang aplikasyon ng flussi 2016, narito ang mga forms

Ngayong araw ang simula ng paghahanda ng mga aplikasyon. Kailangang maghintay hanggang Feb 9 upang ipadala ito. Online lahat sa website ng Ministry of Interior, narito ang iba’t ibang mga forms.

 

Roma, Pebrero 3, 2016 – Unang mahalagang petsa para sa decreto flussi 2016. Simula ngayong umaga ay maaaring ihanda o i-fill up ang aplikasyon para sa non-seasonal entries at conversion ng mga permit to stay, na maaari lamang ipadala simula Feb 9. Lahat ay gagawin online, sa website ng Minsitry of Interior. 

Hanggang Dec 31, 2016 ay maaaring magsumite ng mga aplikasyon. Kahit ngayong taon, ang bilang na nasasaad sa dekreto sa mga itinakdang partikular na kategorya ay hindi nakalaan upang gawing regular ang mga dayuhang undocumented na nasa Italya na. Bukod dito, ang bilang o quota ay inaasahang sapat sa pangangailangan ng labor market at hindi kinakailangan ang mag-unahan.

Narito ang mga forms na dapat gamitin online, batay sa uri ng aplikasyon:

Form A at B para sa mga may lahing Italyano buhat sa bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil;

Form VA conversion ng mga permit to stay mula per sturdio, tirocinio e/o formazione professionale sa permesso di soggiorno di lavoro subordinato;

Form VB conversion ng mga permit to stay mula lavoro stagionale sa lavoro subordinato

Form Z conversion ng mga permit to stay mula per studio, tirocinio e/o formazione professionale sa lavoro autonomo;

Form LS conversion ng mga EC long term residence permit o carta di soggiorno na inisyu sa ibang EU Member State sa permesso di lavoro subordinato,

Form LS2 conversion ng mga EC long term residence permit o carta di soggiorno na inisyu sa ibang EU Member State sa lavoro autonomo,

Form LS1 para sa aplikasyon ng Nulla Osta al lavoro domestico para sa mga dayuhang mayroong EC long term residence permit

Modelo BPS para sa aplikasyon ng Nulla Osta na nakalaan sa mga manggagawang kabilang sa special projects. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi 2016, inilathala na sa Official Gazette

Undocumented sa Italya, flussi o regularization? Ano ang pagkakaiba ng dalawa?