Tapos na ang general discussion. Maaaring mapalitan ang teksto ng panukala dahil ang majority at gobyerno ay handang ‘linisin’ pa ito, lalo na ang carta di soggiorno ng magulang.
Roma, Pebrero 4, 2016 – Karagdagang positibong hakbang sa Senado ng reporma sa citizenship ng mga anak ng mga imigrante. Tinapos kahapon ang general discussion sa Constitutional Affairs Committee ukol ng panukala na inaprubahan sa House na magbibigay pahintulot sa pagiging Italyano ng 800,000 mga kabataan ng ikalawang henerasyon. Nakatakda sa ngayon ang pagdinig sa mga eksperto at asosasyon, pagkatapos ay ang pagsusuri sa mga susog at botohan na ang susunod.
Ngunit mainam na pigilan muna ang pananabik ng maraming kabataang halos Italyano na ngunit nagtataglay pa rin ng permit to stay at ang mga kasama nilang pinaniniwalaang ito ay magbabago sa kasaysayan. Malaki ang posibilidad sa pagkakataong ito na hindi kaylan man naging ganito, bukod sa political willingness at mayroon ding sapat na numero. Ngunit bago ito ganap na maaprubahan ay kailangang maghintay ng ilang linggo, marahil, ilang buwan pa.
Kung ang teksto na inaprubahan sa House ay mababago sa Senado, ay kailangang ibalik ito sa House. Ang teksto ay maituturing na ‘limitado’ kung ilang aspeto nito ang titingnan (ang reporma ay nakalaan lamang sa ikalawang henerasyon, ang ius soli ay ‘banayad’ lamang, ngunit nagbibigay ng mahalagang papel sa paaralan), ngunit ang majority, rapporteur at gobyerno ay handang ‘linisin’ pa ito.
Ang pinaka-tanyag ay ang ‘carta di soggiorno’ na hinihingi sa magulang ng mga ipinangank sa Italya upang maging Italyano agad. Isang paraan ng banayad na ius soli.
Ang requirement na ito, na hiningi ng Nuovo Centro Destra ay tili isang diskriminasyon para sa marami, dahil ang dokumentong nabanggit ay batay sa sahod at tirahan na maaapektuhan ang mga imigrante na ang pinansyal na katayuan ay hindi sapat. Nakakapag-alala rin ang proseso sa Questure sa pagbibigay (o sa pagtanggi) sa dokumento. Ang palitan ito halimbawa, ng limang taong regular na paninirahan ay maaaring malampasan ang hadlang na ito.