Para sa mga aspiring doctors, veterinarians, dentists, architects at nurses, narito na ang mga petsa ng entrance exams sa Italya.
Rome, Pebrero 5, 2016 – Inilathala kamakailan ng Ministry of University ang schedule para sa mga entrance exams ng academic year 2016-2017.
Ang mga unang pagsusulit sa Medicine, Surgery, Dentistry ay nakatakda sa Sept. 6, habang ang Veterinary Medicine ay nakatakda naman sa Sept. 7; ang Architecture sa Sept. 8. Sa susunod na linggo, Sept. 13 ay nakatakda ang pagsusulit sa health professionals at sa Sept 14 ay nakatakda naman ang Medicine and Surgery sa wikang ingles.
Ang mga petsang nabanggit ay para sa lahat ng mga mag-aaral, kabilang ang mga dayuhan. Kung regular na naninirahan sa Italya, ay maaaring magpatala tulad ng mga Italians.
Samantala, ang mga mag-aaral buhat sa labas ng bansa ay kailangan munang sumailalim sa pre-enrollment process. Bawat taon, ang mga future freshmen na naninirahan sa ibang bansa, sa katunayan ay inaanyayahang magsumite ng aplikasyon sa mga embahada o konsulado ng Italya sa sariling bansa. Ito ay simula lamang ng proseso na hahantong sa issuance ng entry visa sa Italya upang sumailalim sa pagsusulit ng mga quota course at Italian language test na kinakailangan sa lahat ng kurso.
Ang sinumang papasa sa mga nanbanggit na pagsusulit ay maaaring magpatuloy sa pagpapatala o enrollment at manatili sa Italya sa pamamagitan ng issuance ng pemesso di soggiorno per motivo di studio. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa maaaring magsumite ng aplikasyon ng pre-enrollment. Ito ay karaniwang ginagawa sa buwan ng Mayo o Hunyo kada taon.