Opisyal na ipinatutupad sa Italya simula noong February 2, ang mga bagong batas ukol sa paninigarilyo at pagbebenta nito. Narito ang nilalaman.
Narito ang nilalaman ng DLGS n. 6 ng Jan 12, 2016
1) Lugar kung saan bawal ang manigarilyo
Mula Pebrero, bawal na ang manigarilyo sa loob ng sasakyan kung mayroong buntis at mga menor de edad.
Off limits din ang sigarilyo sa mga lugar na malapit sa:
- university hospitals;
- hospitals;
- research institutes;
- Pediatric institutes;
Ipinagbabawal din ang paninigarilyo sa outdoor facilities ng gynaecology, neonatology, maternity at pediatric ward ng mga university hospitals at mga hospitals.
2) Bagong sanction para sa mga magbebenta sa mga menor de edad
Para sa anumang shop na nagbebenta ng sigarilyo, tabako at electronic cigarette sa mga menor de edad ay mayroong administrative sanctions mula 500 euros hanggang 3,000 euros. Bukod pa sa suspensyon ng lisensya nito ng 15 araw.
At kung mauulit ang biolasyon, ang multa ay magiging mula 1,000 hanggang 8,000 euros at ang depinitibong pagpapawalang-bisa sa lisensya ng shop.
3) Bagong multa sa magtatapon ng cigarette butts sa kalsada
Ipinatutupad din ang bagong multa sa mga magtatapon ng cigarette butts sa kalsada. Isang multa na nagkakahalaga ng 300 euros.
Salamat din sa bagong Stability Law 2016, isang katulad na multa ang nasasaad hindi lamang sa sinumang magtatapon ng cigarette butts pati na rin chewing gum, tissue paper at mga resibo sa kalsada.
4) Bagong pakete na may nakaka-sindak na larawan
“Ang paninigarilyo ay nagiging sanhi ng stroke at mga kapansanan”; “Ang paninigarilyo ay 90% na nagiging sanhi ng kanser sa baga”; ” Maaaring patayin ng paninigarilyo ang embryo sa sinapupunan”; ” Nababawasan ng paninigarilyo ang fertility”; Ang paninigarilyo ay nakakataas ng panganib ng impotence”.
Ilan lamang ito sa makikitang nakasulat sa bagong pakete. Bukod sa maaaring maka-sindak na larawan.
Bukod sa mga tradisyunal na sigarilyo ay kasama rin sa magkakaroon ng bagong pakete ang sigarilyong karaniwang binibili ng mga kabataan, ang tabacco da arrotolare, pipa ad acqua.
Bukod dito ay ipinagbabawal rin ang anumang promosyon ng mga ito at ng mga produkto ukol sa paninigarilyo tulad ng refill sa telebisyon sa tuwing may programa para sa kabataan at 15 minutos bago at pagkatapos ng programa nito, sa pagitan ng alas 4 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.
Ipinagbabawal na rin ang pagbebenta ng maliit na pakete na mayroong 10 sigarilyo at ang maximum na pinahihintulutang mabibili ay ang 30 grams.
Narito ang Circular ng Ministry of Health ng Pebrero 4, 2016
GABAY KALUSUGAN – MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA COPD