in

Bagong uri ng permit to stay, ang halaga sa issuance at renewal nito

Magandang araw po. Akin pong nabalitaan ang pag-iisyu ng bagong uri ng permit to stay. Maaari po bang malaman kung magkano na ngayon ang gastusin sa renewal? Para sa akin at sa dependent kong anak?

 

Roma – Simula noong Nov 10 ay isang bagong uri ng permit to stay ang ibinibigay sa mga dayuhan sa Italya. Nananatiling electronic permit, ngunit mayroon itong microprocessor frequency. Bukod dito, ay mayroong bersyon para sa mga menor de edad.

Ang mga dayuhang bata ay mayroon ng indibidwal na dokumento simula kapanganakan at hindi na tila isang extension lamang ng dokumento ng mga magulang. Simula anim na taong gulang pataas, ang bagong permit to stay ay nangangailangan rin ng finger prints na mananatili sa microchip ng dokumento at maging sa database ng Ministry of Interior.

Kung ang mga nabanggit ay maghahatid ng pagbabago sa kinagawian ng mga dayuhan, ang mga ito ay hindi magiging sanhi ng pagbabago sa mga gastusin sa releasing o renewal ng permit to stay. Sa katunayan, ang mga ipinatutupad na bayarin ng mga kontribusyon para sa releasing at renewal ng permit to stay ay nananatiling tulad pa rin simula noong 2012:

  • 80 euros kung ang validity ay mula tatlong (3) buwan hanggang isang (1) taon; 
  • 100 euros kung ang validity ay mas matagal sa isang (1) taon at mas mababa o hanggang dalawang (2) taon; 
  • 200 euros kung EC long term residence permit o carta di soggiorno.

Ang kontribusyon ay hindi ang natatanging gastusin para sa releasing o renewal ng dokumento. Kailangan rin ang sumusunod:

  • 27,50 euros para sa releasing ng electronic permit to stay; 
  • revenue stamp na nagkakahalaga ng 16 euros na ilalakip sa aplikasyon; 
  • 30 euros na kabayaran sa serbisyo ng Poste Italiane

Nananatiling walang babayaran ang mga menor de edad hanggang 14 anyos sa bagong uri ng permit to stay. Ang aplikasyon para sa mga anak ay gagawin sa pamamagitan ng parehong form at kit ng mga magulang. Ito ay nangangahulugan na ang 30 euros para sa postal service at ang 16 euros para sa revenue stamp ay babayaran ng isang beses lamang, ng magulang.

Para naman sa mga kabataang may edad mula 14 hanggang 18 anyos ay nasasaad ang kabayaran ng 27,50 euros para sa printing ng permit to stay, sa mga batang may edad 14 anyos pababa, kahit na magkakaroon ng bukod o sariling dokumento ay walang anumang karagdagang bayad.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Iligtas ang mga nawalan ng trabaho, dalawang taong permesso attesa occupazione at regularization

Refugee nakakapit sa bangkang lumulubog na, naisalba