in

Same-sex marriage, magbibigay karapatan sa permit to stay at italian citizenship

Ang panukala Cirinnà ay mayroong mahalagang epekto sa mga dayuhang LGBT. Maaari silang manirahan ng regular sa Italya at maging ganap na mamamayang Italyano sa pagkilala sa gay union.

 

Rome, Pebrero 15, 2016 – Patuloy na diskusyon at debate sa Senado at pati na rin sa mga talk shows at mga pagtitipon ng mainit na panukala ng same-sex marriage o unione civile. At lingid sa kaalaman ng marami, ito ay sinusubaybayan din bilang pag-asa ng maraming homosexual migrants sa Italya.

Ang inaasahang pagkilala ng batas sa gay union ay magkakaroon din ng permanenteng halaga at epekto sa kanila tulad ng mga Italians. Bukod dito, ay makaka-epekto rin ito sa kanilang kundisyon bilang ng mga dayuhan, mula sa pagkakaroon ng regular na permit to stay hanggang sa pagkilala ng Italian citizenship.

Maliban sa adoption, ito ay tinutukoy sa artikulo ng panukala Cirinnà, kung saan nasasaad “ ang mga probisyon na nagtataglay ng mga salitang asawa, mag-asawa, kabiyak, saan man tinutukoy ng batas, dekreto at mga regulasyon ay ilalagay rin ang same-sex marriage o ang legal na pagsasama ng parehong kasarian”.

Samakatwid, ito ay balido rin para sa batas sa imigrasyon at pagkamamamayan. Sa katunayan sa pamamagitan ng gay union ay magkaroon ng permesso di soggiorno per motivi familiari ang isang gay na nakikisama sa isang dayuhan na regular na naninirahan sa Italya. Siya ay may karapatan sa parehong kundisyon ng kasalukuyang batas para sa mag-asawa. O ang isang gay union (o gay marriage) na naganap sa ibang bansa ay legal na kikilalanin din sa Italya at magbibigay karapatan para sa family reunification o ricongiungimento familiare.

Paano kung isang mixed couple? Isang dayuhan at isang Italyano? Maging sa ganitong kaso ay ipatutupad ang pantay na pagkilala sa kanila tulad ng sa mixed marriage. Una sa lahat, ang dayuhan ay maaaring manirahan ng regular sa Italya sa pagkakaroon ng carta di soggiorno. Makalipas ang dalawang taon, ay maaaring mag-aplay ng citizenship.

Ang mga dayuhang LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) kahit isang minoransa ay karaniwang buhat sa mga bansa kung saan ang homosexuality ay isang krimen, at maaaring parusahan ng kamatayan o hindi man, ng habang buhay ang pag-uusig ng sosyedad, na hindi naman karaniwang nangyayari sa Italya. Sa kanilang pagdating sa Italya, ay nakakaranas pa rin ng diskriminasyon buhat sa sariling komunidad. Ngunit dahil pinili nila ang Italya ay maaaring kanilang maging sariling ‘tahanan’ sa pamamagitan ng mga bagong batas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Canone rai, babayaran kasama ng konsumo sa kuryente sa iisang bill

Servizio Civile, may volunteers para sa integration agreement