in

Gabay sa Pagpili ng Iboboto

Maging matalino sa pagpili ng kandidato. Maging mapagmasid at mapanuri sa mga iluluklok sa puwesto. Simulan ang pagbabago mula sa mahusay na pagpili ngayong eleksyon. Dito simulang magbabago ang bansa, Narito ang ilang tips, para sa matalinong pagpili ng iboboto.

1. Gumawa ng listahan ng mga kandidato

Batay sa kanilang plataporma at mga pinaninindigang posisyon, gumawa ng listahan ng mga posibleng iboto.

2. Alamin ang mga isyung mahalaga sa iyo bilang botante

Magdesisyon kung ano ang usaping dapat bigyan ng pansin para sa iyo tulad ng government transparency, human rights, unemployment, katiwalian, kahirapan, gun violence, mataas na crime rate, rural area development, RH Bill, diborsyo at mga environmental issues tulad ng polusyon at iba pa.

3. Kilalanin ang mga kandidato

Upang higit na makilala ang mga kandidato, narito ang ilang puntos:

  • mag-attend ng mga pagpupulong sa komunidad
  • panoorin ang debate at public discussion ng mga kandidato
  • suriin ang kanilang handouts
  • subaybayan ang mga non-partisan tv shows, radio shows, online sites na nagpapakilala sa kandidato
  • bisitahin ang kanilang website o fan page
  • isa-alang-alang ang mga puna/batikos ng ibang tao sa bawat kandidato
  • alamin ang leadership background o karanasan sa pamumuno at/o performance ng kandidato
  • ii-konsidera ang sektor ng lipunan, pamilya o industriya na pinagmulan ng kandidato
  • i-konsidera rin ang mga isyung mahalaga para sa iyo, sa ikalawang punto.

4. Balikan ang listahan ng mga posibleng kandidato

Batay sa mga nakalap na impormasyon:salain ang mga kandidatong nararapat sa iyong boto;

  • Piliin ang kandidatong may magandang plataporma na ang makikinabang ay ang nakararami at maliliit na mamamayan;
  • Piliin ang kandidatong ang hangarin ay maiangat ang buhay ng mga naghihikahos na kababayan;
  • Pagbatayan din sa pagboto ang magagandang nagawa ng kandidato na ang nagtamasa ay ang mga karaniwang mamamayan;
  • Mag-isip nang maraming beses.

5. Bumoto

Sayang ang lahat ng paghahandang gagawin kung hindi boboto sa araw ne eleksyon. Ito ay isang karapatan, huwag palampasin at ipagwalang-bahala ang kalayaang ito.

Bilang isang registered voter Overseas Filipino, ugaliin rin ang pagbisita sa website ng Embahada ng Pilipinas sa Roma at Konsulado sa Milan para sa mga impormasyon ukol sa eleksyon tulad ng oras at lugar ng botohan, paraan ng pagboto.

Click to rate this post!
[Total: 9 Average: 4.6]

Alamin ang status ng application o renewal ng permit to stay, narito kung paano

CE per soggiornanti lungo periodo, anu-ano ang requirements?