Ito ay isang social benefit na ina-aplay sa Comune at ibinibigay ng Inps. Narito kung sino, paano at kailan ito dapat i-aplay.
Roma, Marso 4, 2016 – Ang maternity allowance ay isang social benefit na ibinibigay batay sa sitwasyon ng mga biological at adoptive parents.
Ito ay isang tulong pinansyal ng limang (5) buwan ng halagang 338,89 euros kada buwan at may kabuuang halaga na 1.694,45 euros.
Sino ang maaaring mag-aplay?
Ito ay nakalaan sa mga Nanay na residente sa bansa: Italians, Europeans, non Europeans na mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno o mayroong status di rifugiato politico.
Kailan at saan dapat mag-aplay?
Ang mga nabanggit na kwalipikado ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa loob ng anim (6) na buwan matapos ang kapanganakan o matapos ang mag-ampon o matanggap ang legal custody sa Comune kung saan residente.
Anu-ano ang mga requirements?
Ang karapatan sa tulong pinansyal ay batay sa halaga ng ISEE o Economic Situation Indicator na hindi dapat lalampas sa halagang 16.954,95 sa taong 2015.
Upang matanggap ang benepisyo, ay mahalaga ring walang anumang maternity insurance coverage o kung mayroon man, ang halaga nito ay dapat na mas mababa sa itinakdang halaga ng benepisyo.