in

Pag-aaplay ng ‘Assegno al Nucleo Familiare’ sa Comune, narito kung paano

Ito ay isang social benefit na ina-aplay sa Comune at ibinibigay ng Inps. Narito kung sino, paano at kailan ito dapat i-aplay.

 

Roma, Marso 4, 2016 – Ang assegno al nucleo familiare o family allowance ay isang social benefit na ibinibigay sa mga pamilya na mayroong mula sa tatlong anak (pataas) na menor de edad hanggang 18 anyos.

Ito ay isang tulong pinansyal na ibinibigay ng Inps sa loob ng 13 buwan na nagkakahalaga ng € 141,30 kada buwan.

Sino ang maaaring mag-aplay?

Maaaring mag-aplay ang mga Italians, Europeans at non-Europeans na mayroong carta di soggiorno.

Kailan at saan dapat mag-aplay?

Ang mga pamilya ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa Comune kung saan residente hanggang Jan 31 ng sumunod na taon ng aplikasyon. Halimbawa kung mag-aaplay para sa taong 2016 ay hanggang Jan 31, 2017 ang pagsusumite ng aplikasyon.

Anu-ano ang mga requirements?

Ang karapatan sa tulong pinansyal ay batay sa halaga ng ISEE o Economic Situation Indicator na hindi dapat lalampas sa halagang € 8,555.99.

PAALALA: Patuloy na hinihingan ng Inps bilang requirements ang mga non-EU nationals ng carta di soggiorno. Sa katunayan, isang European directive (2011/98) nagsasabing para sa mga ganitong benepisyo ay sapat na ang permit to stay na balido para sa trabaho. Gayunpaman, ang mga nabanggit ay maaaring mag-aplay ng mga benepisyo at mangyaring lumapit sa hukom para sa karapatan kung sakaling ang aplikasyon ay hahadlangan ng nabanggit na tanggapan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegno di Maternità o Maternity allowance buhat sa Comune, paano mag-aplay?

Anu-ano ang mga kundisyon sa pagiging refugee sa Italya?