Most Outstanding Woman at Achievement Awards, parangal sa mga kababaihan hatid ng FilCom-Genova sa pagdiriwang ng Women’s Day.
Genova, Marso 8, 2016 – Sa pagdiriwang ng Women’s Day ay pinarangalan kamakailan ang mga kababaihang Pilipina o Italo-Filippina dahil sa natatangi at kapuri-puring kakayahan sa ginagampanang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
Ang Most Outstanding Woman Awards ay parangal na handog ng Filcom-Genova sa mga kababaihan na ginanap noong March 5 sa Buranello Auditorium, Genova, Italy. Nakiisa sa araw ng parangal si Hon. Maria Elena Buslacchi, ang Assessore alla Cultura ng Municipio 2, Comune di Genova.
Bukod sa kanilang mahalagang ginagampanang bahagi sa sosyedad, ang sampung mga kababaihan na inihala ng miyembro ng Community ay batay rin sa mga sumusunod:
- isang OFW ng hindi bababa sa 10 taon;
- isang Filipina o ì Italo-Filippina na residente sa Genova;
- may edad sa pagitan ng 40-55 anyos;
- dapat na legendary, visionary at humanitarian;
- God-fearing, passionate, independent, strategic thinker, kind, family dedicated;
- Mapagmahal at matiyagang hinaharap ang anumang pagsubok
Pinarangalang Most Outstanding Awardees 2016 sina Agito Luzviminda, Baril Pilipina, Jenny Calingasan, Celia Isidro, Adora Manilay, Rosalie Marqueses, Bernadette Mones, Blesilda Nario, Elsie Porte, Marina Villanueva.
Bukod dito, karagdagang limang Pilipina o Italo-Filippina na residente sa Genova ang pinarangalan dahil sa mataas na naabot at pagpapakita ng kahusayan sa personal na buhay, sa trabaho, negosyo, civic work at kawanggawa sa pamilya, kapitbahayan at komunidad.
Sina Jolane Agcaoili, Edetta Catacutan, Pia Mata, Biena Mones at Teresita Zulueta ang limang napili at binigyan ng Achievement Award ng Filcom-Genova, Filcom Genova Women in Passion.
Ang FILCOM-GENOVA ay isang boluntaryong organisasyon sa ilalim ng dl 266/91, isang non-profit organization na ang pangunahing layunin ay palalimin pa ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Filipino Community sa Genova.
Ang elected Executive Officers ay sina:
- NONIETA ADENA, President;
- AMADOR PANELA, Vice President;
- SUSAN BOOC , Executive Secretary;
- LILYBETH SUYAT, Treasurer;
- JOSEPH KALAMBAKAL, Auditor;
- COUNCILORS: MARIA ZITA SUZETTE CASTILLO, LEMUEL MELITANTE, HARRY MARZAN, HECTOR MARZAN, RICKY MEDRANO, ERIBERTO PASCUAL, CYNTHIA SANTOS, GRACE SANTILLAN-SCARFI, DELIA VALLEDOR
Ang Filcom-Genova ay tinutulungan at sinusuportahan ng maraming grupo tulad ng Filipino Catholic Group sa pamumuno ni Nazario Fuentes, Filipino Nurses Association and Health Supporters sa pamumuno ni Nelia Tanguilig Yabut, Mt. Zion International Genova Chapter sa pamumuno ni Bro. Angel Calingasan, JIL Genova chapter sa pamumuno ni Pastor Nunilon Almario, FRG sa pamamagitan ng Vice President na si Mauro Esquivel, INC Group sa pamumuno ni Lito Baldonazza, Rapallo Filipino Community na pinangunahan ni Jojo Tamares at Comelec Genova Chapter sa pamumuno ni Romel Zabarias.
“At sa layuning maipagpatuloy na maisulong, mapangalagaan at matugunan ang mga problema, kapakanan at kagalingan ng kababaihan ay itinatag ng 2015 Most Outstanding Women Awardees ang Women’s committee, ang Women in Passion”, ayon kay Nonieta, ang Presidente.
- Chairperson, Angie Verri
- Coordinator Councilor, Cynthia Santos
- Members: Laila Belino, Venus Bernardino, Felomina Javier, Cecilia Cruz, Leonor Fuentes, Myrna Maiquez, Lydia Marzan, Adelina Tiburcio & Gloria Valdez
larawan ni: Gerry D. Espina