in

Sanatoria o regularization para sa mga undocumented, mayroon ba?

Ayon sa bali-balita sa aming komunidad ay mayroong ilalabas na amnesty ang gobyerno para i-regularize ang posisyon ng mga undocumented sa Italya. Nais ko pong malaman kung may katotohanan ito?

 

Roma – Hanggang sa kasalukuyan, maliban sa Decreto Flussi 2017 na inilabas ng gobyerno ng Italya ilang buwan na ang nakakalipas, para sa pagpasok ng mga seasonal workers at conversion ng mga permit to stay ng mga nasa Italya na, ay walang anumang ‘sanatoria’ o ‘regularization para sa mga undocumented o walang permit to stay na nasa Italya.

Anumang balita ukol sa amnesty, sanatoria o regularization ay walang katotohanan. Huwag paniwalaan at huwag ipamalita dahil nagbibigay ng ‘false hope’ sa ating mga kababayan at kanilang mga employer.

Bilang pahayagan, asahan po ninyo ang aming maingat na pagbabantay sa mga temang ukol dito.

 

Basahin rin: 

Ang mga itinalagang bilang ng Decreto flussi 2017

Undocumented sa Italya, flussi o regularization?

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Good Governance: How the values of anti-corruption can take root in filipino culture

Civil Service, bukas na rin para sa mga kabataang dayuhan