in

Civil Service, bukas na rin para sa mga kabataang dayuhan

Partesipasyon ng mga kabataang dayuhang regular na naninirahan sa bansa. Isang susog sa ddl na nagsasabatas ng desisyon ng hukom at ng Constitutional Court.

 

Roma, Marso 10, 2016 – Pagkatapos ng maraming taon ng pakikipaglaban at hatol ng Constitutional court, ay binigyan ng pagkakataon ang mga kabataang dayuhan sa Civil Service at sa wakas ay magiging isang ganap na batas at magtatanggal sa hindi makatarungang diskriminasyon.

Ang mga huling public announcements ng National Civil Service ay nagbubukas sa mga kabataang walang Italian citizenship, partikular sa mga kabataang lumaki sa Italya, ang tinaguriang ikalawang henerasyon. Salamat sa mga apila na isinulong ng mga asosasyon at unyon na nagbigay daan sa isang deklarasyong hindi makatarungan ang requirement ng Italian citizenship ng Consulta.

Samantala, ang gobyerno ay naghain sa Parliyamento ng Third sector reform na hangaring magbigay susog sa regulasyon ng Civil Service kung saan walang anumang nabanggit ukol sa access ng mga kabataang dayuhan.

Kahit sa Chamber of Deputies, matapos ang positibong opinyon nito sa reporma ay walang lakas ng loob na isama ang isang linya na maglilinaw sa posisyon ng mga kabataang dayuhan.

Sa ngayon ang Third Sector reform ay kasalukuyang nasa Senado kung saan tila kumilos ang lahat. Isang susog ang isinulong ni Stefano Lepri (PD) at inaprubahan ng gobyerno noong Marso 8.

Sa orihinal na teksto ay nasasaad na ang gobyerno ay “dapat gawin ang programa tuwing ikatlong taon para sa mga kabataan sa pagitan ng 18 at 28 anyos ay maaaring lumahok sa civil service”. Ang susog ay binigyang-diin na ang mga tinutukoy na ‘kabataan’ ay maaaring Italyano at dayuhang regular na naninirahan sa Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sanatoria o regularization para sa mga undocumented, mayroon ba?

Turista sa Italya, kailangan ba ng permit to stay?