Ang taba sa tiyan o bilbil ay isa sa mga problemang nais bigyan ng solusyon ng karamihan sa mga babae. Karaniwan, kahit bumaba na ang timbang ito ay nananatili at sumisira sa porma ng marami. Mayroong iba’t ibang paraan batay sa edad na maaaring pagpilian. Narito ang ilang tips upang ito ay matanggal mula 20 hanggang 50 anyos.
1) 20 anyos
Dahilan: “Sa edad na ito ay karaniwang under pressure sanhi ng unibersidad, lovelife o alalahin para sa kinabukasan. Dahil sa stress a tumataas ang cortisol, isang hormone na nagiging sanhi ng pag-iimbak ng taba sa tiyan o bilbil”, ayon kay Filippo Ongaro, ang scientific director ng Anti-aging Medicine Institute. Bukod dito, kung napapadalas ang iyong ‘appetizer’ ay karagdagang sanhi ng bilbil: “Ang alcoholic drinks ay nagbibigay ng 7 calories per gram, bukod pa dito ang mga finger foods na kasama nito”, dagdag pa nito.
Solusyon: Bawasan ang happy hour, carbonated drinks at mga snacks. Subukan ring maglaan ng 10 minuto para sa ‘meditation’ araw-araw: ito ay makakatulong mabawasan ang cortisol level sa iyong katawan at malabanan ang pagnanasang kumain ng madalas sanhi ng stress.
Ehersisyo: ”Subukan ang pre-boxing: makakatulong ito na i-release ang stress at matunaw ang mga taba”, ayon kay Jill Cooper, isang personal trainer. “Bukod dito, ay nakakatulong din na ma-tone up ang abs dahil upang maiwasan ang mga suntok ay pinapanatiling contract ito”.
2) 30 anyos
Dahilan: Kung kapapanganak pa lamang ay normal na mayroong bilbil. “Ang pagkakaroon ng do it yourself diet sa ganitong kaso ay hindi epektibo: sa karamihan ay iniiwasan ang carbohydrates at proteins higit sa mga gulay ngunit ang tulad ng repolyo at broccoli ay sanhi ng panlalaki ng tiyan dahil mayaman sa fiber”, ayon kay Ongaro.
Solusyon: ‘‘Ihalo ang mga gulay na mayaman sa protein at kaunting cardohydrates upang mapakinabangan ang fibers na nagpapabagal sa absorption ng sugar at nagpapababa ng pagbabago ng blood glucose na nagbibigay ng gutom”, dagdag pa ng eksperto.
Ehersisyo: ”Epektibo ang elastic trampoline na tumutulong na mabawasan ang naimbak na taba sa tiyan at hips habang tumutulong ma tone up ang muscles, na hindi nagiging sanhi ng pagod ng cardiovascular system”, paliwanag pa ni Jill Cooper.
3) 40 taon
Dahilan: ”Ito ay ang edad kung kailan lumalabas ang problema sa teroydeo na nagiging sanhi ng pagbabago sa timbang at pagbagal ng metabolism”, paliwanag ni Filippo Ongaro. Bukod dito, habang papalapit sa menopause stage, ang hormonal balance ay nag-iiba: bumabagal ang pagtunaw ng katawan at mas mabilis ang tumaba.
Solusyon: ‘‘Kumain ng isda 3 hanggang 4 na beses sa isang linggo na mayaman sa yodo, ito ay mahalaga sa teroydeo. Mas mainam kung pipiliin ang mayaman sa omega-3, ang “good fats” ay mahusay sa puso at upang mapanatiling maganda ang mood sa eded na ito”, ayon kay Ongaro.
Ehersisyo: ”Piliin ang High intensity interval training ”, ayon kay Jill Cooper. ‘Samakatwid, i-alternate ang sprint, running, sprint, running etc. Sa ganitong paraan ay papayat at mato-tone up ang katawan. Bukod dito, ang patuloy na pagpapalit ng bilis at pagsusumikap ay nagpapabilis ng metabolismo at ito ay nananatili ng ilang oras kahit pagkatapos ng exercise.
4) 50 anyos
Dahilan: ”Ang pagtigil ng obulasyon at ng buwanang daloy ay nagpapatigil rin sa produksyon ng estrogen; gayunman, ay patuloy ang pagawa ng androgens, na tumutulong sa pagkakaroon ng taba sa tiyan. Bukod dito ang metabolismo ay bumabagal kahit na maingat sa pagkain ay hindi madaling mag burn ng calories.
Solusyon: ”Dalawa o tatlong beses sa isang linggo palitan ang animal protein ng soya based: tulad ng tokwa, gatas at mga fermented products tulad ng miso (sauce) o tempeh (isang uri ng vegetal steak). Nagtataglay ang mga ito ng isoflavones, na maaaring humadlang ang pagbaba ng estrogen”.
Ehersisyo: ”Pilates at isama rin ang iba’t ibang uri ng abdominal exercises” pagtatapos ni Cooper.