in

Young learners of English Week-end program, pinarangalan

Pinarangalan ang 39 na mga kabataan sa ginanap na “Young learners of English Week-end program Recognition day” sa ilalim ng INNOVA Education Europe. 

 

Roma, Marso 11, 2016 – Matagumpay na naisakatu¬paran ang pagbibigay pugay sa 39 na mag-aaral sa ginanap na ‘Young learners of English Week-end program Recognition day’ ng INNOVA Education Europe noong nakaraang Sabado, ika-27 ng Pebrero 2016 sa Roma.

Hinati batay sa lebel ng kaalaman sa wikang ingles, ang mga kabataan ay nagpakitang gilas at nagpamalas ng kanilang naging programa sa loob ng dalawang buwang pagpasok, tatlong oras tuwing araw ng Sabado. Pinarangalan ang kanilang pag-susumikap na matutunan ang itinuturing na international language.

Ang 39 na mga kabataan, Pilipino, Italians at Columbians, mula 6 hanggang 16 anyos ay mga ipinanganak at kasalukuyang nag-aaral sa mga italian schools sa lungsod, dahilan sa kakulangan ng kaalaman ng mga ito sa wikang ingles.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga magulang na dumalo sa selebrasyon.

Ikinagagalak ko ang pagiging bahagi ng aking anak kasama ang mga kabataang Pilipino. Kayo ay isang komunidad na nagsusumikap na maibahagi ang inyong kultura at kaalaman sa wikang ingles”, ayon kay Pedro Martinez, ang ama ng isang Columbian student.

Malaking bahagi ng aming oras bilang magulang ay naigugugol sa aming trabaho. Kahit kami ay marunong mag salita sa wikang ingles, malaking tulong sa amin ang programang tulad nito upang hindi mahuli ang aming mga anak sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas o paglipat sa ibang bansa sa Europa”, ayon kay Jimmy Acosto isa sa mga Pilipinong magulang.

Lubos naman ang kasiyahan ng mga guro at ‘non-teaching personnel’ ng Innova dahil ang kanilang pagsusumikap na maibahagi ang propesyong iniwan sa Pilipinas ay nabibigyang halaga at napapakinabangan ng maraming kabataan at pamilya. “Sinusuklian ng mga magulang sa pamamagitan ng tiwala at su-porta sa aming mga programa ang aming dedikasyon sa pagtuturo na pansamantalang maituturing na boluntrayo naming ibinibigay”, ayon kay Elvis Napa, ang kasalukuyang OIC ng Innova sa kanyang opening remarks.

Itinatag noong nakaraang taon, October 2015, at nagsimula ng may 20 mag-aaral ng sumunod na buwan, pangunahing layunin ng Innova Education Europe, ang makapagturo sa mga Pilipino, partikular sa ikalawang henerasyon, ng wikang ingles at makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mataas na antas at epektibong paraan upang matutunan ang wika.

Ang mga miyembro, na binubuo ng mga OFWs sa Roma na nakapagtapos at may propesyon sa Pilipinas, ay patuloy na pinalalalim ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral ng ‘Teaching English as Second language’. Karagdagang kwalipikasyon rin ang hatid ng kanilang partesipasyon sa mga TEFL Seminars hatid ng Trinity, Oxford at Pearson Schools. Ilan sa mga miyembro ay nagtuturo rin (part-time) sa mga Italian public schools ng wikang ingles.

Mga serbisyo

  • Young learners of English Week-end program (5 – 16 yrs. old)
  • Oxford TEFL and In-house course (offered to members only)
  • Cambridge English Teacher Program (offered to members only)

Para sa karagdagang impormayson, bisitahin ang Innova website www.innovaeducationeurope.com, sa pamamagitan ng FB page Innova Educ Europe o mangayring magpadala ng email sa innovaeducationeurope@gmail.com.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Turista sa Italya, kailangan ba ng permit to stay?

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino

Paano magpapatala sa SSN ang magulang na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification?