in

Basikong impormasyon ukol sa K + 12

Marami pa rin sa mga pamilya ang naguguluhan sa bagong sistemang ito ng edukasyon kahit na ngayong ipinatutupad na ito ng pamahalaan. Ano ba talaga ang K-12? Paano ito ipinatutupad?

 

Narito ang mga basikong impormasyon ukol sa bagong kurikulum.

Ang K-12

Nang nagsimulang umupo ang presidenteng Aquino, ninais nitong baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Kung noon ay BEC o Basic Education Curriculum ang ginagamit na kurikulum sa ilalim ni Presidente Arroyo, ngayon ay simulang ipinatutupad na ang tinatawag na K+12 o Kinder patungong dalawampung taong basikong edukasyon.

Ang layunin ng K+12

Pangunahin layunin ng presidenteng Aquino ay ang pagiging “globalisado” ng bansa. Dahil sa layuning ito, ipinatupad nya ang K+12. Naglalayong ihanda ng K+12 ang mga bata sa “mundo ng pagtatrabaho”. Ibig sabihin, hindi na kakailanganing mag-aral pa sa kolehiyo para maging propesyonal.

Ano ang sistema ng K+12?

Ito ay ang sistema ng K + (6-4-2) 12

Ang letrang K, ng K + 12, ay nangangahulugan ng Kinder. Kung noon ay tumatanggap ng bata sa elementary school kahit hindi nag-kinder, sa sistema ngayon ay kailangang may angking kaalaman na sa pagbabasa at pagsusulat ang mga batang papasok. Ito na ang sistemang ipinatutupad sa ngayon na tinatawag na “Universal Kindergarten” na naglalayong makatulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pampublikong kindergarten. Dito, tinuturuan na ang mga batang magbasa at magsulat bilang preparasyon sa elementarya.

Pangalawa ang “6” (sa K-6-4-2), katulad ng dati, anim na taon pa rin ang elementarya.

Pangatlo ang “4”, na tumutukoy sa sumunod na lebel na mayroong apat na taon. Ito ay tinatawag na “Junior Highschool” ito ay mula sa Grades 7-10.

Pang-apat ang “2”, na tumutukoy sa karagdagang dalawang taon o ang tinatawag na “Senior Highschool”, mula Grades 11-12.

 

Basahin rin ang: 

K+12 sa Pilipinas – Ano, bakit, kailan at sino ang apektado nito?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong sistema, magpapabilis ng OWWA Membership Processing sa Milan

Mga Pinoy, nagpakitang gilas sa 12th Marcelo Canonico Karate Competition