in

Mga Pinoy, nagpakitang gilas sa 12th Marcelo Canonico Karate Competition

BLACK SQUADRON, OKINAWAN at USKA, sumabak at nagpakitang gilas sa Marcelo Canonico Karate Competition.

 

Isernia, Marso 15, 2016 – Sumabak at muling nagpakitang gilas ang tatlong grupo ng mga Pinoy sa larangan ng karate sa isang prestihiyosong kumpetisyon sa probinsya ng Isernia, sa rehiyon ng Molise nitong Pebrero.

Ginanap ang 12 th Marcelo Canonico Karate Competition kung saan 500 atleta mula Beginners, Cadets, Junior, A21 Seniors hanggang Masters ang naglaban-laban. May kabuuang bilang na labing-pito (17) ang mga Pinoy na lumahok sa prestihiyosong kumpetisyon sa ilalim ng Associazione Istruttori Filippini Arte Marziali o AIFAM. Sampung manlalaro (10) ay buhat sa Black Squadron at lima (5) naman ay nagbuhat sa grupo ng OKINAWAN at dalawa (2) buhat sa USKA.

 

Dalawang silver medals nina Jireh Angelo Buno at Hannah Mae Tominez at 1 bronze medal ni Megan Casanova ang nasungkit ng mga kabataang Pinoy mula sa Black Squadron.

Sono forti, anzi fortissimi e io ho avuto paura ma alla fine ho preso un terzo posto e ne sono molto fiera e contenta dopo due anni di allenamento”, ayon kay Megan na nag-uwi ng bronze medal.

 

 

 

Bukod dito, karagdagang 1 silver at 2 bronze medals ang nasungkit ng OKINAWAN at 1 bronze medal naman ang inuwi ng USKA.

Lubos ang pasasalamat at paghanga sa filipino athletes nina Giuseppe Di Lemme, ang organizer ng kumpetisyon at ni Lorenzo Lommano, ang presidente ng MIVASS o Movimento Italiano Valori Sportivi e Sociali.

Ngayong taon bukod sa mga Pilipino ay mayroong Libyan participants. Dahil sa kanilang partesipasyon ay naging international ang kumpetisyon”, ayon kay Di Lemme.

Mahalaga umano ang naging partesipasyon ng mga Pilipino sa kumpetisyon, ayon kay Lommano.

Bukod sa naglalarawan ito ng tunay na integrasyon ay mahuhusay talaga sa martial arts ang mga kabataang Pilipino”,dagdag pa ni Lommano.

Samantala, malaking suporta at malalim ang paniniwala ni Giuseppe Romano sa Pinoy karate sa Italya. Sa katunayan, si Romano ang naghikayat sa grupo ng mga Pilipino na lumahok sa kumpetisyon kung saan karamihan sa mga lumaban ay mga brown at black belters na bukod pa sa maraming taon na ng allenamento o training

Si Giuseppe Romano ay itinuturing na nag-iisang Italian karate coach sa apat na kontinente, at nakapagpanalo ng 400 medals sa Sea Games, Asian, European, World, African and Pan american Games dahilan upang sya ay parangalan ng Comitato Olimpico Nazionale Italiano o CONI. Partikular si Giuseppe ay dating instructor ng RP team mula taong 2001 hanggang 2007. Pagkatapos ay naging coach ng national team ng India, Kosovo, Moldavia, Libya, Uzbekistan at Bolivia.

 

PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Basikong impormasyon ukol sa K + 12

Canary bird, nangitlog na walang mate