in

Ora legale, mula sa Linggo, March 27

Nagbabalik ang ora legale sa Linggo, March 27 sa ganap na alas dos ng madaling araw. Sa petsa at oras na nabanggit ay kailangang iusad ang mga relo paabante mula alas dos sa alas tres.

 

Roma, Marso 15, 2016 – Sa pagitan ng hatinggabi ng Sabato, March 26 at madaling araw ng Linggo, March 27, ang huling linggo ng buwan at kasabay ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ay iuusad ang mga relo paabante ng isang oras, mula alas dos sa alas tres.

Ito ay nangangahulugan na ang pagtulog ng lahat ay mababawasan ng isang oras. Bukod sa higit na isang oras na tulog, sa panahon ng ‘ora legale’ o ang daylight saving ay ipinagpapaliban ang paggamit ng artificial light ng isang oras.

Gayunpaman, ang pag-usad paabante ng mga orasan ng isang oras, ay nangangahulugan ng pag-atras naman ng paggamit ng artificial light sa mga oras na ang mga gawain ay kasalukuyang puspusan pa.

Ang Italya, dahil dito, ayon sa Terna, ang nangungunang kumpanya na naghahatid ng koryente sa Europa, ay nakakatipid taun-taon mula 613 milyong kilowatt-hr na enerhiya katumbas ng mula € 90 hanggang €100 million.

Sa mga buwan ng summer tulad ng Hulyo at Agosto, gayunpaman, dahil ang mga araw ay mahaba kumpara sa buwan ng Abril, ang epekto ng “pagkaantala” sa pagsindi ng mga bombilya ay sa gabi lamang, kapag ang mga gawain ay halos natapos na at ito ay nangangahulugan na kakaunti ang natipid na enerhiya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy Physical Therapist sa Milan

Bakasyon ngayong Mahal na Araw, silipin muna ang permit to stay