in

Bakasyon ngayong Mahal na Araw, silipin muna ang permit to stay

Humingi ng bakasyon, bumili ng ticket at ihanda ang bagahe. Ang sinumang magbi-biyahe ngayong Mahal na Araw ay maraming dapat asikasuhin. Ang mga imigrante, bukod sa mga nabanggit ay kailangang ding alamin ang sitwasyon ng permit to stay. 

 

 

Roma, Marso 17, 2016 – Walang problema ang sinumang balido ang permit to stay (o carta di soggiorno). Dalhin lamang ang orihinal nito kasama ang pasaporte at maaaring malayang mag-biyahe mula Italya at sariling bansa, pati na rin sa ibang bansa sa Europa kung saan mayroong free circulation ang Schengen, maliban lamang kung mananatili dito ng higit sa tatlong buwan. 

Bahagi ng Schengen ang sumusunod na mga bansa: Belgium; France; Germany; Luxembourg; Netherlands; Portugal; Spain; Austria; Greece; Denmark; Finland; Sweden; Iceland; Norway; Slovenia; Estonia; Latvia; Lithuania; Poland; Czech Republic; Slovakia; Hungary; Malta; Switzerland; Liechtenstein.

Ngunit isang paalala sa mga nagnanais bisitahin ang mga bansang hindi sakop ng Schengen tulad ng Great Britain, ay kakailanganin ng entry visa o transit visa. 

Samantala ang mga nasa renewal naman ang permit to stay ay maaaring magbiyahe mula Italya at Pilipinas lamang. Kailangang ipakita sa immigration o frontier police ang resibo o ‘cedolino’ kasama ang pasaporte. Paalala na hindi maaaring mag-stop over sa anuamng bansa ng Schengen, maliban na lamang kung mayroong entry visa.  

Sa sinumang naghihintay ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho o para sa pamilya ay maaari ring mag-biyahe mula sa Italya patungong Pilipinas, dala ang resibo o ‘cedolino’, pasaporte at entry visa na ginamit sa pagpasok sa Italya. 

Kung ang visa ay isang “Schengen uniforme” at ito ay balido pa rin ay maaaring mag-biyahe sa Schengen countries ngunit hindi kung ito ay paso na o hindi na balido. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ora legale, mula sa Linggo, March 27

PANALANGIN SA PAGBOTO