in

PANALANGIN SA PAGBOTO

Ang bisa ng panalangin. 

 

Roma, Marso 17, 2016 – Tayong mga Pilipino ay naniniwala sa lakas ng panalangin kaya naman kung tayo ay may kinakaharap na pagsubok o meron tayong hinihingi, tayo ay humihingi sa ating mga kaibigan: pari man o madre o kapwa natin layko na tayo ay isama sa kanilang mga panalangin.

Para po sa hinahangad nating pagbabago para sa ating mga sarili lalo na sa ating mga pamilya at kababayan, tayo po ay magkapit-kamay sa pananalangin upang ipadala sa atin ang magiging presidente ng ating bansa na tunay na may pagmamahal at pagmamalasakit sa mga mahihirap. 

PANALANGIN SA PAGBOTO

Panginoon, gawin mo akong instrumento ng Iyong

presensya sa mga halalan,

Kung saan may pananakot at kaguluhan,

Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pagmamahal.

Kung saan may panunuhol at bilihan ng boto,

Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng dangal.

Kung saan may pagkakawatak-watak,

Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pagkakaisa.

Kung saan may pandaraya sa halalan,

Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng katapatan.

Kung saan may panlilinlang at maling propaganda,

Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng katotohanan.

Kung saan may walang malasakit,

Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng

pangangalaga at pakikibahagi.

At kung saan may kawalang pag-asa sa proseso ng halalan,

Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pag-asa

Banal na Panginoon, ipahintulot Mong huwag akong mag-isip ng pansariling hangarin

habang ako’y bumoboto ng karapat-dapat na kandidatong kakatawan sa tunay na kahulugan ng serbisyo-publiko

ayon sa nararapat na pamantayang moral.

Maria,aming Mahal na Ina, yakapin mo kami ng iyong maka-inang pagkalinga.

Idinadalangin naming sa pamamagitan mo ang isang malinis, tapat, tiyak, makahulugan at mapayapang halalan,

sapagkat nasa mapanagutang pagboto na aming makakamit ang tunay na demokrasya

at sa kamatayan ng binhi ng pagiging maka-sarili, kami’y isinilang para sa buhay na walang hanggan.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

Nang sa lahat ng bahagi ang Diyos ay dakilain. AMEN

 

Socio Cultural Health & Sports Committee 

Sentro Pilipino – Via Urbana Roma

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakasyon ngayong Mahal na Araw, silipin muna ang permit to stay

“Romans muna”, ang programa ni Giorgia Meloni bilang Mayor ng Rome