in

Seguridad sa Italya, dodoblehin matapos ang Brussels attack

Pulong ng National Security Committee upang doblehin ang mga aksyon, labanan at iwasan ang banta at takot hatid ng terorismo.

 

Roma, Marso 22, 2016 – Kaugnay ng naging pag-atake kaninang umaga sa airport at subway sa Brussels na naging sanhi ng pagkamatay ng higit sa 30 katao, ay tinawag sa isang pulong ngayong hapon ni Minister Angelino Alfano ang National Committee on Public Order and Security.

Pinangunahan ni Prime Minister Renzi ang pulong sa Interior Ministry kung saan tinalakay ang mga aksyon upang labanan at maiwasan ang banta at takot hatid ng terorismo.

Bukod dito, dodoblehin sa kapital bukod pa sa ilang pangunahing lungsod ng bansa, ang mga kontrol sa lahat ng mga matao at mapanganib na lugar tulad ng Subway, istasyon ng tren, ang embahada ng Belgium sa Italya at Vatican, ang mga diplomat residents at marami pang iba.

Ang Public Safety Department ay nagsasagawa din ng paghihigpit sa mga pangunahing port of entry ng bansa bukod pa sa higit na koordinasyon ng awtoridad sa mga airport.

Samantala, nanawagan ang Foreign Ministry sa mga Italians sa Brussels na iwasan sa kasalukuyan ang pagbibiyahe. Nilinaw din ni Minister Paolo Gentiloni na walang Italian na kasama sa mga nasawi at sugatan dulot ng mga pagsabog.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Belgium, inatake ng sabay-sabay na pagsabog

Roma, nakidalamhati sa Brussels