Pinangalanan ang 3 sa 32 nasawi sa Brussels. Isang Italyana ang marahil na kasama sa mga biktima. Kasalukuyang halos 60 naman ang nasa Intensive Care Unit ng 300 sugatan.
Rome, Marso 24, 2015 – Ayon sa mga huling report, ang mga biktima sa Brussels attack ay nagmula sa 40 bansa.
Sa 32 nasawi, pinangalanan ang unang tatlong kinilalang biktima: 1 Peruvian at 2 Belgian.
Si Adelma Tapia Ruiz, isang Peruvian, 36 anyos , ay nasa Zaventem airport, ina ng 4 na taong kambal na anak na nakasalba kasama ang kanilang ama.
Samantala, ang dalawang Belgian: Si Léopold Hecht, 22 anyos at isang mag-aaral, isa sa mga lubhang sugatan na sumakabilang buhay at si Olivier Delespesse na nakasakay sa metro papuntang trabaho.
Bukod sa mga nabanggit, isang Italian ang kasalukuyang hinahanap pa at kinatatakutang kasama sa mga biktima ng Maelbeek station kung saan nasawi ang halso 20 katao. Si Patrizia Rizzo ay isang employee ng European Commission. Inanunsyo ni Maurizio Lupi, Chamber of Deputies VP, sa kanyang paglabas mula Palazzo Chigi: “Kasalukuyan pang sinusuri ngunit posibleng mayroong isang biktimang Italian na marahil ay nakasakay sa metro, ayon kay Prime Minister”.
Samantala ayon naman sa mga pinakahuling report, sa kasalukuyan ay walang Pilipino ang naitalang nasugatan o naging biktima ng mga pagsabog.