Isa sa apat na suspek ng Brussels attack ang naghanda at gumawa ng mga bomba sa Paris attack.
Marso 24, 2016 – Inilabas na ng Belgian police ang pangalan ng tatlo sa 4 na teroristang kamikaze ng Brussels attack: ang magkapatid na El Bakraoui, parehong may mga criminal record – si Khalid, 27 anyos, ang nag-suicide bomb sa metro at si Ibrahim, 30 anyos, ang nag-suicide bomb sa Zaventem airport.
Ang ikatlo, ayon sa mga report, ay si Najim Laachraoui, alyas Soufiane Kayal, 24 anyos at Belgian citizen at ang naghanda ng bomba sa pag-atake sa parehong Brussels at Paris. Maaaring mayroong ika-apat na terorista na hinahanap ang awtoridad sa kasalukuyan.
Ang tatlong suicide bombers ay dumating sa airport sakay ng isang taxi. Sa katunayan ay nakita sa security video ang tatlo na tinutulak ang isang pushcart ng mga bahage nito na naglalaman ng mga bomba bago tuluyang maghiwa-hiawalay ang tatlo sa departure hall.
Sa video ay makikita ang ikatlong terorista, kasalukuyang wanted sa awtoridad, na humihiwalay sa mga kasama nito at iniiwan ang pushcart bago tumakas.
Samantala, nag-report naman ang taxi driver na sinakyan ng mga terorista sa awtoridad matapos ang naging pag-atake. Ayon sa driver, ang bilang ng bagaheng dinala ng mga terorista ay hindi tugma at mas madami ang mga dala nitong bomba at iba pang kagamitan. Dahilan upang hanapin ang haluglugin ng pulisya ang isang bombang hindi sumabog na iniwan ng terorista.
Bukod dito ay naibigay din ng texi driver ang address na pinagsunduan nito sa mga terorista kung saan natagpuan naman ang mga gamit sa paghahanda ng bomba tulad ng mga pako, detonators, armas at marami pang iba.
Ayon pa sa driver, hindi lahat ng bagahe ay naisakay nito dahil isang van umano ang unang hiningi ng mga terorista ngunit isang normal na taxi ang ipinadala sa mga ito.