in

Esenzione ticket, sinu-sino ang may karapatan nito?

Narito ang iba’t ibang mga kundisyon na pinagkakalooban ng batas ng ticket exemption o ‘esenzione tiket’ sa pagtanggap ng mga serbisyong pangkalusugan. 

 

Sa Italya, upang matanggap ang mga serbisyong pangkalusugan mula sa mga ospital o public clinic /hospitals (o private hospitals) na mayroong partikular na kasunduan sa gobyerno, ay kinakailangang magbayad ng isang maliit na halaga sa Regione. Ito ay ang tinatawag na ticket, na nagbabago o iba-iba batay sa sahod at laki ng isang pamilya.

Gayunpaman, garantisado pa rin ang serbisyong medikal sa mga mamamayang maaaring dahil sa ilang partikular na sitwasyon ay exempted sa pagbabayad ng ticket. Partikular, ayon sa mga probisyon ng Batas 537/1993 at susog (Art. 8, talata 16) ay may karapatan sa exemption o esenzione ang mga mamamayang menor de edad at senior citizen, may karamdaman o walang sahod o trabaho.

Ang mga non-EU at EU nationals na regular na naninirahan sa Italya, ay mayroong pantay na karapatan sa pagtanggap ng serbisyong pangkalusugan gayun din maging sa exemption na nabanggit.

Nasasaad ang apat na kalagayan o sitwasyon ng mga mamamayan na mayroong ticket exemption dahil sa edad at sahod, mga kategorya na mayroong angkop na code.

1) Mga mamamayang may edad na hindi lalampas ng anim na taong gulang o higit sa 65 taong gulang, at ang kabuuang sahod ng pamilya ay hindi lalampas sa  € 36.165.98  Codice E01

2) Mga mamamayang walang hanapbuhay (o ang kanilang dependants) at ang kabuuang sahod ng pamilya sa isang taon ay hindi lalampas sa 8.263,31 (11.362,05, kung kasama ang asawa at karagdagang 516,46 bawat dependant) Codice E02

3) Ang mga tumatanggap ng assegno sociale (dating pensione sociale)at ang kanilang dependants. Codice E03

4) Ang mga tumatanggap ng minimum pension at higit sa 60 anyos at ang kanilang dependants at may kabuuang sahod na mas mababa sa 8.263,31 (11.362,05 kung kasama ang asawa at karagdagang 516.46 para sa bawat carico) Codice E04

May karapatan din sa exemption ang ilang kaso na nabanggit ng batas tulad ng mapanganib na pagbubuntis o ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman tulad ng carcer at sakit sa puso.

PAALALA:

1) Para sa exemption dahil sa sahod o esenzione per reddito ay isinasaalang-alang ang kabuuang halaga ng sahod ng buong pamilya ng nakaraang taon sa pamamagitan ng ISEE.

2) Para sa mga walang trabaho o disoccupato ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng registration sa Centro per l’impiego.

Pamamaraan

Sa taong 2011 ay unti-unting ipinatutupad ng mga Regions ang bagong paraan ng pagsusuri ng exemption dahil sa sahod batay sa Ministerial Decree Dec 11, 2009. 

Sa ilang Rehiyon, ang pamamaraan ay ipinatutupad na ito at samakatwid  ang piniling familiy doctor (o pediatrician), batay sa isang listahang mayroon ang internal bata base ay susuriin kung ang pasyente ay exempted o hindi at kung exempted ay ang family doctor mismo ang susulat ng code sa riseta o impegnativa.

Kung ang pasyente ay wala sa listahan ng mayroong ‘esenzione’ ay mamarkahan ng medico di famiglia ang letrang N o non esente sa riseta o impegnativa.

Ngunit kung ang pasyente ay naniniwalang kabilang sa mga exempted at mayroong patunay nito ay maaaring magtungo sa tanggapan ng Asl na sumasakop sa tirahan, at humingi ng angkop na exemption, lakip ang ilang dokumentasyon.

Gayunpaman, ang deklarasyon para sa exemption dahil sa kawalan ng trabaho o esenzione per disoccupazione (E02) ay kailangan ding gawin sa Asl  para patuloy na makatanggap ang serbisyo.

Ipinapaalala na ang health system ay nasasakop ng Regione at mahalagang humingi ng impormasyon sa Asl na nakakasakop sa tirahan dahil ang mga Regioni ay maaaring magpalabas ng mga komunikasyon ukol sa mga pagbabago ng requirements o karagdagang dokumentasyon.

Para sa mas detalyadong impormasyon, narito ang mga website ng iba’t ibang Rehiyon :

Abruzzo

Basilicata

Calabria

Emilia Romagna

Lazio

Liguria

Lombardia

•       Marche

P.A. Bolzano

P.A. Trento

Piemonte

Puglia

Sardegna

Sicilia

Toscana

Umbria

Valle d’Aosta

Veneto

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Smuggling ng mga sigarilyo, namultahan sa Milano

Operation Silent 2018, sinimulan ng Inps