in

Citizenship, magpapatuloy ang diskusyon bukas sa Senado

Magbibigay ng opinyon ukol sa bagong regulasyon sa citizenship ang mga eksperto at asosasyon. Pagkatapos nito ay ang presentasyon ng mga susog. 

 

Roma, Marso 29, 2016 – Magpapatuloy bukas, Miyerkules sa Senado ang reporma sa citizenship ng mga anak ng mga imigrante.  

Hindi ito binigyang-pansin agad ng Constitutional Affairs Committee matapos ang general discussion na inaprubahan sa Camera. Inihinto ang diskusyon upang bigyang umano ng priyoridad ang mga temang higit na mahalaga habang hinihintay ang bagong ‘set’ para sa bagong pagdinig. 

Tulad ng unang inilathala ng Stranieriinitalia.it sa pamamagitan ng rapporteur na si Doris Lo Moro, ang diskusyon ay muling sisimulan. Sa katunayan, nakatakda bukas March 30 simula ala una ng tanghali ang pagdinig sa mga eksperto at asosasyon. Inaasahang ito ay magtatapos bandang hapon. Kasama ang mga senador ay muling lilinawin ng mga ito ang kwestyon para sa pagpi-prisinta muli ng mga susog sa teksto. 

Samantala, hindi pa opisyal ang listahan ng mga eksperto at asosasyon. At dahil informal ang pagdinig ay inaasahang close door ito. Gayunpaman, maaaring payagan ni Committee President ang live streaming nito hanggang mamayang hapon. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kilalanin ang mga ‘Presidentiables’

Kilalanin ang mga ‘Vice-Presidentiables’