in

Kilalanin ang mga ‘Vice-Presidentiables’

Sa nalalapit na National Election, ang sambayanang Pilipino ay muling pipili ng bagong pamunuan ng gobyerno at kasama dito ang pagpili ng Bise Presidente sa anim na opisyal na mga kandidato. Narito ang kanilang mga talambuhay at ilang mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa masusing pagpili sa darating na halalan.

 

Roma – Ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas ay ang ikalawang importanteng posisyon ng Gobyerno na itinalaga ng Konstitusyon ng 1935 at binigyang susog noong 1987. Ang sinumang mahahalal na Bise Presidente ay tinakdang manirahan sa loob ng anim na taong panunungkulan sa Coconut Palace sa may CCP Compound. Ang mga kandidato sa nasabing puwesto ay dapat sumagot sa mga katangian at kwalidad ng kandidato ng Bise Presidente.

Ang Bise Presidente ay nahahalal sa diretsong boto ng mamamayan. Siya ay umaaktong bikar ng Presidente o upisyal na kinatawan ng Presidente kung kinakailangan. Sa utos ng Presidente ay maaari din siyang humawak ng isang Cabinet post at higit sa lahat ang Bise Presidente ay takdang papalit kung sakaling mamatay, mawalan ng kakayahang mental na mamuno o magbitiw sa tungkulin ang kasamang nahalal ng Presidente.

Sa darating na National Election ng May 9, 2016 ang sambayanang Pilipino ay muling pipili ng bagong pamunuan ng gobyerno at kasama dito ang pagpili ng Bise Presidente sa anim na opisyal na mga kandidato. Narito ang kanilang mga talambuhay at ilang mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa masusing pagpili sa darating na halalan.

ALLAN PETER SCHRAMM CAYETANO

Ipinanganak noong Oktobre 28, 1970 ng mag-asawang Renato Cayetano, dating abogado at senador, at Sandra Schramm (German) na isa namang guro.  Tubong Taguig City, siya ay nag-aral ng elementary at high school sa De la Salle at nagtapos ng kursong Political Science sa U P (1993) at Law Post Graduate naman sa Ateneo de Manila(1997).  Sa Taguig City lumaki bilang isang politiko kung saan nahalal na konsehal, Vice Mayor at Congressman sa murang edad. Noong Hulyo 2010 ay nahalal sa Senado at kasalukuyang Senate Majority Floor Leader. Noong Nobyembre 21, 2015 ay opisyal na nagproklamang kandidato bilang Bise at running mate ni Presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte upang magkasamang isulong ang Federalismo bilang bagong pamamalakad ng gobyerno ng bansa. Mula pa noong 2006 si Allan Peter Cayetano ay isa sa aktibong mambabatas na buhat sa Partido Nacionalista.

FRANCIS JOSEPH GUEVARA ESCUDERO

Kilala bilang Chiz Escudero, ay ipinanganak noong Oktobre 10 ,1969 sa Manila kina Salvador Escudero (dating Secretary on Agrarian Reform) at Evelina B. Guevarra (Guro). Siya ay nag-aral sa UP mula elementary hanggang  sa AB Political Science (1988).  Sa UP din niya tinapos ang kurso bilang abogado UP College of Law batch 1993.  

Ang kanyang buhay politikal ay nagsimula sa gulang na 22 anyos bilang konsehal ng Sorsogon. Sumunod noon ay nahalal siyang Third District of Sorsogon Representative o Congressman noong 1998 bilang isa sa mga pinakabatang mambabatas  ng bansa. Aktibong miyembro ng Nationalist People’s Coalition mula pa noong 1998,  kasalukuyang Senador, katoliko at asawa ng aktres na si Heart Evangelista. Si Chiz Escudero ay running mate ni Independent Presidential  candidate na si Grace Poe.

GREGORIO BALLESTEROS HONASAN II

Higit na kilala bilang Gringo Honasan, siya ay ipinanganak noong Marso 14,1948. Nagtapos sa Philippine Military Academy, siya ay isa sa mga sundalong namuno sa istorikong EDSA Revolution noong 1985.  Nakulong dahil sa mga sinimulang pag- aalsa laban sa gobyerno subalit  binigyan ng kapatawaran ni Presidente Fidel V. Ramos noong 1992.  Kumandidato at nahalal noong 1995 bilang kauna-unahang independent candidate. Siya ay nanungkulan sa Senado hanggang 2004.  Noong 2007 ay muling nahalal at kasalukuyang miyembro ng Senado. 

Buhat sa pagiging independente, siya ay naging miyembro ng UNA o United Nationalist Alliance na batay na din sa pagpapasya ng partido ay napiling kandidato bilang Bise Presidente at running mate ni Jejomar Binay.

FERDINAND MARCOS JR

Si Bongbong Marcos ay ipinanganak noong Setyembre 13, 1957 at ikalawa sa tatlong anak ng dating Presidente Ferdinand Marcos at Imelda Marcos.  Siya ay nagtapos ng elementary sa De La Salle Greenhills at High school sa Worth  Benedictine School sa London. Nagtapos (Special Diploma on Social Studies) sa Oxford University. Naka-enroll siya sa Business Administration sa Wharton University ng siya ay mahalal bilang Vice Governor ng Ilocos Norte noong 1980. Sanhi ng EDSA revolution at kasama ng pamilya, ay tumakas at nanirahan sa Hawaii at bumalik lamang noong 1991 at nahalal na Congressman of Second District of Ilocos Norte (1992-1995). Siya ay nanungkulan bilang Governor ng Ilocos Norte ng tatlong termino buhat 1998-2007 at muling nanalo bilang Congressman noong 2007 hanggang sa Senatorial election noong 2010 kung saan siya ay ikapito sa mga nahalal na senador. Kasalukuyang Senador at miyembro ng   Nacionalista Party.  Noong Oktobre 5, 2015 ay opisyal niyang idineklara ang kanyang kandidatura bilang Bise ni Presidential Candidate, Miriam Defensor Santiago.

MARIA LEONOR STO TOMAS GERONA

Si Leni Robredo ay ipinanganak sa Naga Camarines Sur noong Abril 23, 1964 at asawa ng yumaong DILG Secretary Jessie Robredo.  Nagtapos ng elementary at high school sa Unibersidad de Sta Isabel  at nagtapos ng AB Economics sa U P Diliman. Nagtapos ng abogasya noong 1992 sa University of Nueva Caceres at nakapasa sa board exams noong 1996. Masasabing ang maagang pagpanaw ng kanyang politikong asawa ang nagtulak sa kanya upang pumasok sa politika. Noong 2005 ay nahirang upang mamuno sa Liberal Party  sa Camarines Sur at noong 2013 ay nahala bilang congresswoman para sa Third District ng Camarines Sur. Noong Oktobre 5, 2015 ay nagdeklara siyang kandidato bilang Bise Presidente kasama ni Ruling Party Presidential candidate Mar Roxas upang ituloy ang Programang Daang Matuwid ng papalabas na Presidente Aquino.

ANTONIO TRILLANES IV

Ipinanganak noong Agosto 6,1971 sa Caloocan City nina Phil Navy Capt Antonio F. Trillanes Sr. At Estelita Fuentes.  Sa Sienna College nagtapos ng elementary at sa Angelicum College of Quezon City naman nag high school, si Sonny ay nagtapos ng BS Electronics and Communications Engineer sa De LaSalle University. Upang sundan ang yapak ng ama ay nakapasok siya sa Philippine Military Academy kung saan siya ay nagtapos bilang Cum Laude student sa kursong BS Naval System Engineering.

Nakilala si Sonny Trillanes sa Oakwood Mutiny kung saan kasama ang mahigit 300 opisyal at mga sundalo ng AFP ay nag-alsa laban sa lumalalang korapsyon sa Gobyernong pinamumunuan ni dating Presidente Arroyo. Dahil dito siya ay nakulong at buhat sa kulungan noong 2007 ay tumakbo siyang senador ng Genuine Opposition Group kung saan siya ay nanalo. Tanging ang kapatawaran (presidential parole) ni Presidente Noynoy Aquino ang nagpalaya sa kanya upang noong 2010 ay lubusan siyang nanungkulan bilang isa sa mga pinakabatang senador na nanungkulan sa gobyerno. Siya ay muling kumandidato para sa ikalawang termino sa ilalim ng Nacionalista Party kung saan siya ay pang siyam sa mga nanalong senador ng nasabing mid-term election. Noong Agosto 2015 siya ay nagdesisyong tumakbo bilang independent Vice Presidential candidate na suportado naman ng kanyang unang partido, ang Magdalo.

 

Kung gaano kaimportante ang pagpili ng kandidatong Presidente ay importante di na masusing kilatisin ang ating iboboto bilang Bise Presidente sapagkat silang dalawa, kung magkakatugma ang kanilang mga pangunahing aghikain at programang politikal ay silang maglulunsad sa isang bagong Pilipinas patungo sa pag-unlad at katiwasayan ng pamumuhay nating mga Pilipino. 

 

ni: Tomasino de Roma

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship, magpapatuloy ang diskusyon bukas sa Senado

The Filipino Ricky Martin of Italy, pasok sa Blind Audition ng The Voice of Italy 2016