in

EU, naglaan ng pondo para sa Assisted Voluntary Repatriation sa Italya

1.14 million euros para sa programa ng International Organization for Migration IOM upang tulungan ang mga irregular migrants na bumalik at ma-reintegrate sa sariling bansa. 

 

Rome – Marso 31, 2016 – Ang European Commission ay naglaan ng 1.14 milyon bilang emergency support sa International Organization for Migration (IOM) upang simulan ang assisted voluntary repatriation and reintegration program sa Italya.

Ang programa, ayon sa isang note ng Kinatawan ng Commission sa Italya, ay nakalaan sa mga irregular migrants na nais bumalik sa sariling bansa, magbibigay ng mga impormasyon ukol sa posibilidad ng voluntary repatriation at tutulungan ang mga migrante sa proseso ng repatriation. Bukod dito, ang IOM ay tutulong sa reintegration sa sariling bansa, sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa matitirahan, edukasyon, professional formation at trabaho bukod pa sa mahikayat ang mga ito na huwag balikan ang iligal na paglabas mula sa sariling bansa. 

Ang pondo ay ibibigay sa ilalim ng Asylum, Migration and Integration Fund (o FAMI) at magsisilbing financial support hanggang magsimula ang Italya sa permanent voluntary repatriation program bilang bahagi ng FAMI national program. 

Ang kabuuang halaga ng emergency assistance na ibinigay sa Italya mula 2015 ay umabot na sa 22 million euros, na idadagdag sa 593 million na nakalaan para sa Italya sa 2014-2020 national program ng AMIF (348 million) at ng internal security fund (245 million). 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Final Testing and Sealing ng Vote Counting Machine, bukas sa Filipino community

Medical certificate ng colf, duktor na ang magpapadala sa Inail