in

Meeting de Abanse ng Migrante Partylist at Neri Colmenares for Senator isinagawa sa Roma

Isinagawa ng mga Migrante sa Roma ang Meeting de Abanse ng Migrante Partylist sa kongreso at si Cong. Neri Colmenares para sa senado.

 

Roma, Abril 4, 2016 – Matagumpay na naisagawa ng mga Migrante sa Roma ang Meeting de Abanse para ikampanya na iboto ang Migrante Partylist sa kongreso at si Cong. Neri Colmenares para sa senado. Isinagawa ang nasabing aktibidad sa Piazza Esquilino isang sentrong lugar sa syudad sa Roma, Italya na malapit na Sentro Pilipino Chaplaincy na kung saan ay maraming kababayan ang nagsisimba.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga organisasyon gaya ng Umangat-Migrante, Migrante Partylist Rome Chapter, Ofw Watch Rome, Federation of Women In Italy at Ichrp Rome.

Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang na sinundan ng pagpapaliwanag ni Umangat-Migrante Chairwoman Weng Caraig kaugnay sa nagaganap na aktibidad at kung bakit napakahalaga na ang mga migrante ay magkaisa upang ihalal ang mga kandidato na tunay na nagsusulong ng interes nating mga migrante at ng mamamayang Pilipino gaya ng Migrante Partylist at ni Cong. Neri Colmenares.

Si Vicky Custodio ang nagpakilala at nagtalakay ng plataporma ni Cong. NERI Colmenares at pinaliwanag nya ang mga nagawang malaking ambag ni Cong. Colmenares para sa pagsusulong ng kapakanan ng mga mamamayang Pilipino gaya ng pagpapasa ng batas sa tunay na reporma sa lupa, dagdag sahod sa mga manggagawa, Php2,000.00 sss pension increase at marami pang iba. Matapos nito ay naghandog ng makabayang awitin si Jojo Villanueva isang mang-aawit sa Roma.

Napakinggan din sa nasabing aktibidad ang mensahe ng pakikiisa ni Ka Gary Martinez, 1st nominee ng Migrante Partylist at kasunod nito ay tinalakay naman ni Egay Bonzon coordinator ng Mpl Rome ang plataporma ng Migrante Partylist at mga nagawa nitong mga signipikanteng tulong sa hanay nating mga Ofws gaya ng pagkilos para mapahinto ang pagbitay kay Maryjane Veleso at iba pang kababayan nating nasa death row, pagkilos laban sa panukalang pagbuwis sa ating balik bayan box at marami pang iba.

 

Matapos nito ay naghandog ng 1 billion revolution dance ang mga kababaihan sa pangunguna ng Umangat-Migrante womens komite kasama ang mga member ng Sto Rosario Risorgimento filipino community.

Nagpahayag din ng mensahe ng pakikiisa at pagsuporta sina Bong Rafanan Ofw Watch Rome Pres., Doc Dulay, Vhe Gesolmina ng Kalahi Dance Ensemble, Teddy Dalisay at iba pa.

Nagkaroon din ng pahayag ng pagkondena sa nangyaring kaguluhan sa Kidapawan City at pagpapaabot ng pakikidalamhati sa mga biktima at panawagan para sa agarang hustisya.

Nagtapos ang aktibidad sa isang munting salo-salo. Lubos ang pasasalamat ng Umangat-Migrante, Migrante Partylist at Ofw Watch Rome sa mga kababayan na sumuporta at dumalo sa nasabing miting de abanse.

Umangat Migrante

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Voluntary manslaughter, hatol ng Court of Appeal sa menor de edad na Rom na pumatay kay Corazon

Aplikasyon sa citizenship, higit 200,000 ang naghihintay ng resulta