Nagpatuloy ang reporma sa citizenship sa Senado. Mga eksperto at asosasyon ay isinama sa pagdinig ng Constitutional Affairs Committee. Partikular, kasama ang Rete G2 Seconde Generazioni.
Roma, Abril 5, 2016 – “Ilang hakbang na lamang, malapit ng magtagumpay ang reporma. Hiniling namin sa Senado na bilisan at ibigay ang Italian citizenship sa isang milyong anak ng mga imigrante”, ayon kay Isaac Tesfaye, 31 anyos at isang journalist.
Noong March 30 ay kasama sa pagdinig sa Constitutional Affairs Committee ang Rete G2 Seconde Generazioni kasama ni Isaac Tesfaye sina Lucia Ghebreghiorges, Neva Besker at Paula Baudet Vivanco. Lahat ay mga italian names na naghahangad ng ganap na pagbabago sa kanilang kundisyon.
“Nais naming ganap na maaprubahan ang reporma bago ang local election sa Hunyo at kami ay naniniwala na ito ay magaganap. Hindi nagbigay ng anumang petsa si President Finocchiaro, ngunit sinabing magpapatuloy ang pag-usad ng reporma kahit pa magkaroon ng ibang mahalagang tema na dapat talakyin ang committee. Ayaw naming ma-pending ulit at marahil ang mahinto dahil sa campaign period. Ngayon na ang pagkakataon at hindi natin ito dapat palampasin pa”, ayon kay Tesfaye.
Noong Miyerkules sa Commission, ay binaggit din ni UNICEF President ang nalalapit na pagdiriwang ng ika-25 taon, sa katapusan ng Mayo, ng pagpapatibay ng Italya sa International Convention on the Rights of the Child at dahil dito higit na makahulugan ang aprubahan ngayon ang reporma.
“Ito ay isang malaki at mahalagang hakbang – paalala ni Tesfaye – para sa karapatan ng mga menor de edad sa Italya. At, dahil ang pinag-uusapan ay ang karapatan ng mga bata, ay kailangang isantabi ang mga political agenda. Dapat ay nakatutok lamang sa kundisyon ng mga anak ng mga imigrante, na nasa isang kritikal na kundisyon ngayon, at nananawagan sa mga ‘matataas’ upang ito ay harapin at makarating sa isang solusyon”.
Para sa iyo, sa naging diskusyon ba ay pumasok ang mga isyu na malayo sa reporma? Ang center-right ay patuloy ba sa paglalabas ng mga tema tulad ng refugees at terorismo?
“Para sa ngayon, ang rapporteur ay may plano at isinusulong niya ang diskusyon na nakatutok lamang sa ikalawang henerasyon. Ang tema ng refugees at terorismo ay misleading”.
Anong partido ang kinakausap ng G2 para sa reporma?
“Simula’t simula kami ay nakikipag-usap sa lahat, natanggap namin ang lahat ng uri ng pagtanggap upang aming maipaliwanag ang posisyon ng ikalawang henerasyon. Inuulit ko, ang tema ay dapat na nakahiwalay at walang anumang kinalaman sa political controversy, ang pinag-uusapan ay karapatan. Dahil dito ang G2 ay apolitical, nonpartisan at nonsectarian. Ang batas sa citizenship ay malinaw na anachronistic at samakatwid, harapin natin ito ng sama-sama at palitan sa lalong madaling panahon”.
Ang batas ay anachronistic, ngunit naniniwala ka ba na ang politika ay batay sa sentimiyento ng bansa? Sa survey, ay makikita na ang mga Italians ay bukas sa citizenship ng ikalawang henerasyon…
“Huwag nating i-generalized. Sa parliyamento ay mayroong ginagawa ang lahat para dito, samantala, mayroon ring ginagawa ang lahat upang laban ang sentimiyento at reyalidada ng bansa. Ang Italya ay umusad na, ang parliyamento ay kailangang gawin ang kanyang trabaho at huwag iwanan ang current situation, bagkus ay gawin ang nararapat para sa isang milyong mga kabataan na ang pakiramdam ay Italians na. Ang Italya ay ang kanilang bansa, ngunit hinahadlangan ng isang batas na hindi kumikilala sa reyalidad”.
Ang repormang ito, ay magbibigay karapatan maging Italyano ang mga anak, ngunit mananatiling dayuhan ang mga magulang. Ano sa palagay mo ang magiging reaksyon ng mga magulang?
“Ang Parliamento ay nagdesisyong hatiin ang dalawang tema upang magkaroon ng positibong resulta para sa mga menor de edad. Isang kompromiso, ngunit kung papasa ay positibo pa rin para sa mga magulang. Parang isang kabayaran ng mga hindi ibinigay sa magulang ay maibibigay naman sa mga anak. Hangarin din natin ang maging maayos ang citizenship sa mga matatanda ngunit sa ngayon ay para sa ikalawang henerasyon ang ating laban”.
Gaano kalayo pa ang reporma ?
“Hindi kailanman naging ganito kalapit ang pagbabago sa batas ng citizenship. Mayroong isang teksto kung saan ang majority ay maroong kasunduan ngunit lahat ay mayroon ding limitasyon. Gayunpaman, ang reporma ay inaprubahan na sa Kamara. Sa tunay na pagbabago ay isang hakbang na lamang ang layo at isang malaking pagkakamali ang hindi ito maaprubahan ng kasalukuyang lehislatura”.