in

Babalik na sa Pilipinas, maaari bang makuha ang mga kontribusyon na binayaran sa Inps?

Ako ay isang Pilipino. Sa Italya ako nagtrabaho ng maraming taon, ngunit ako ay nagpasyang bumalik na sa Pilipinas. Maaari ko bang makuha mula sa Inps ang mga binayarang kontribusyon?

 

 

Roma, Abril 5, 2016 – Ang mga non-Europeans na babalik sa sariling bansa ay hindi maaaring hingin o bawiin sa Inps ang mga kontribusyon na ibinayad dito habang nasa Italya ngunit napapanatili nito ang karapatan sa pensyon at social security kahit na ang bilateral agreement sa pagitan ng Italya at ng Pilipinas na nananatiling hindi pa opisyal.

Ito ay nangangahulugan na mayroon man o walang bilateral agreement ang Pilipinas at Italya, pagdating sa pensyon at social security ang worker na babalik sa Pilipinas ay may karapatang matanggap ang pensyon kahit na hindi na-kumpleto ang minimum requirements ng Batas 335/95, o ang limang (5) taong kontribusyon at ang pensionable age na 66 yrs at 3 months

Ang karapatang ito ay nananatiling kahit mamatay ang worker. Sa ganitong kaso sa pagsapit ng itinakdang edad o ang 66 taong gulang at 3 buwan sana ng namatay, ang kanyang pensyon ay matatanggap ng kanyang beneficiaries

Kung ang Italya at Pilipinas ay magkaroon ng bilateral agreement ukol sa social security, ang worker na babalik sa Pilipinas bago ang pensionable age, ay maaaring hingin ang karapatang matanggap ang pensyon sa Pilipinas buhat sa naging kontribusyon sa Italya.

Ito ay nangangahulugan na ang worker ay maaaring matanggap ang kanyang pensyon at pakinabangan ang ibinayad na kontribusyon habang nasa Italya, sa Pilipinas batay sa batas na ipinatutupad sa ating bansa. 

 

ni: D.ssa Maria Elena Arguello

isinalin sa tagalog ni: PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reporma sa citizenship, ilang hakbang na lamang

UP Arco kampeon sa String Orchestra sa Florence Italy