in

UP Arco kampeon sa String Orchestra sa Florence Italy

UP Arco ang nag-uwi ng gold medal sa Best String Orchestra na ginanap sa Florence. 

 

Milan, Abril 6, 2016 – Kampeon ang UP Arco sa category ng String Orchestra, ang musical interpretation competition sa 2nd Music Festival sa Florence, Italy na ginanap sa Chiesa di San Filippo Neri.

16 na UP students ang bumuo sa String Orchestra at sa pamamagitan ng kanilang Musical Director at Conductor na si Mitchi Martinez pinili niya ang 3 musical pieces: ang Aus Holberg’s Zeit, Prelude, Andante Festivo at ang prelude and fugue ang Filipino folk tune ng “Bahay Kubo” arranged by Angel Peña at ito ang nagpa-panalo sa kanila.

I had to stick by a timeframe, 15 minutes, so we had to be very precise on that, and I had to choose works that will bring out the par of the UP Arco, and which will bring out the technical facility of the group via works that are standard”, wika ng musical director.

Dagdag pa ni Martinez, kung may mga sariling cultural pieces ang bansang lumahok ay mayroon din ang Pilipinas nang sa ganun balanse ang mga “competition works”.

Kung mayroon sila, mayroon din ang Pilipinas”, masayang tugon ng conductor. 

Maliban sa mga Italian Arco groups ay lumahok din ang bansang  Czechoslovakia at Hungary.

Nakuha ng UP Arco ang gold medal sa Best String Orchestra.

Maliban dito ay nabigyan din sila ng 2 jury prizes, ang best musical interpretation at ang best female soloist na si Janine Samaniego.

Bukod dito, ayon kay Ruben Defeo ng College of Fine Arts ng UP Diliman na tumayong coordinator ng grupo, noong nakaraang taon ay lumahok din ang UP Arco sa Bratislava Music Festival sa bansang Slovakia nasungkit nila ang silver award na pinakamataas na award dahil wala aniya ang gold prize.

Mula doon ay inimbitahan ang grupo sa Milan, kung kaya’t ito na ang ikalawang pagkakataon na nilang nag-perform sa Italya.

Kung kaya’t ibinida ng UP Arco ang tatlo nilang winning musical pieces sa mga kababayan natin sa Milan.

Hanga ang mga manonood na dumalo maging ang ibang lahi lalo na ang mga Italyano na lingid sa kaalaman natin ay hinahangaan ang mga orchestra concerts dito. 

Sa kabila nito, ikinalulungkot ng Fine Arts Proffesor dahil nahihirapan silang kumbinsihin ang mga kababayan natin sa Pilipinas na humanga sa mga orchestra concerts.

Orchestra in the Philippines is not as developed here in Europe, that is why we have to go out and spread the gospel of orchestra music, so to speak”, wika ni Defeo.

With the UP Arco, the destiny, the faith of orchestra music in the Philippines is secured”, dagdag pa niya.

Dahil sa dedikasyon at passion ng bawat estudyante sa larangan ng musika ay nakakamtan ng grupo ang tagumpay kasama na rin dito ang kanilang pagsunod sa yapak ng mga iniidolong musicians lalo na ang kanilang mga magulang at ninuno na mahilig din sa musika. 

Sa kabila nito, tanging hiling din ng professor na sanay suportahan sila ng gobyerno na dagdagan din ang mga venues maliban sa Cultural Center of the Philippines na maaring pagdausan ng mga orchestra concerts.

Pinasasalamatan din ng buong grupo ang presidente ng I Colori Del Mundo Adda Onlus na si Anabel Mayo na siyang nag-imbita  sa kanila, hindi lamang sa pamamagitan ng pagsagawa ng concert sa Milan, kundi para ipakita sa mga kababayan natin na magagaling at kahanga-hanga din ang mga pinoy sa larangan ng orchestra concerts. 

ni Chet de Castro Valencia

larawan ni Jesica Bautista

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Babalik na sa Pilipinas, maaari bang makuha ang mga kontribusyon na binayaran sa Inps?

HALALAN 2016