in

Sino ang dapat sumailalim sa Italian language test para sa carta di soggiorno? Sino ang hindi?

Gusto kong mag-aplay ng carta di soggiorno. Ako ay pumasok sa isang Italian language course sa isang private school at ako ay binigyan nila ng certificate, ako ba ay exempted na sa Italian test? 

 

 

Ang releasing ng EC long term residence permit o carta di soggiorno ay batay sa pagkakaroon ng mga requirements na hinihingi ng batas, kabilang ang pagpasa sa Italian language test. Ito ay nangangahulugan na bago mag-aplay ng nabanggit na dokumento, ang dayuhan ay kailangang naipasa na ang Italian language test. 

Gayunpaman, mayroong ilang mga kaso kung saan  hindi kinakailangang sumailalim sa italian test

• may edad 14 pababa;

• mga may malubhang limitasyon na matutunan ang wika dahil sa edad, karamdaman o kapansanan at pinatutunayan sa pamamagitan ng certification buhat sa anumang health structure;

• mga dayuhang mayroong sertipiko ng kaalaman ng wikang Italyano (antas A2 ang minimum required), na buhat sa University of Roma Tre, Perugia University for Foreigners, Siena University for Foreigners, Dante Alighieri Society;

• dayuhan na pumasok at nakatapos ng Italian language course sa anumang Centri provinciali per l’istruzione degli adulti at mayroong sertipiko na may antas na hindi bababa sa A2. Bahagi ng Centri provinciali per l’istruzione degli adulti ang mga Centri Territoriali permanenti per l’educazione degli adulti, evening course sa mga paaralan ng lahat ng antas; 

• dayuhang nakatanggap ng mga credits sa integration agreement o accordo di integrazione ng antas A2 ng Italian language;

• dayuhang nakapagtapos sa Italian school ng first & second degree High School sa pagkakaroon ng Italian diploma o sa pamamagitan ng pagpasok sa anumang centri provinciali per l’istruzione degli adulti;

• dayuhang kumukuha ng kurso sa anumang public o private universities sa Italya o kumukuha ng master degree sa Italya;

• dayuhang pumasok sa Italya bilang isang manager o highly skilled personnel ng isang kumpanya; university professors na may academic-post sa Italya; mga translator at mga interpreter at mga accredited  journalists at mga foreign employed correspondents ng isang pahayagan o magazine o radio o telebisyon (batay sa artikulo 27, talata 1, letra a, c, d, e, q ng D. Lgs n. 286/98)

Sa kabila ng nabanggit na mga exempted, ang lahat ng mga dayuhang hindi nabanggit sa mga kategorya sa itaas ay kailangang sumailalim at maipasa ang Italian language test para sa releasing ng EC long term residence permit o carta di soggiorno. 

Samakatwid, halimbawa, ang sinumang nakatapos ng nursery, primary school o secondary school ngunit hindi naman natapos ang ‘percorso scolastico’, ay kailangan pa ring sumailalim sa Italian test. Kahit na magkaroon ng sertipiko ng kaalaman sa Italian language buhat sa mga paaralan na hindi bahagi ng Centri provinciali per l’istruzione o ng mga private school na hindi nagbibigay ng sertipiko na kinikilala ng Universty Roma Tre, Perugia University for Foreigners, Siena University for Foreigners at Dante Alighieri society ay kailangang sumailalim sa test. 

Ipinapaalala bilang pagtatapos, na ang sinumang mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno at kailangang gawin ang mag-update nito ay hindi na kailangang sumailalim pa sa test. Ang requirement na ito ay obligado lamang para sa mga mag-aaplay nito sa unang pagkakataon.  

 

D.ssa Maria Elena Arguello

isinalin sa tagalog ni PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unang Kongreso ng Migrante Milan Chapter, matagumpay na naidaos

Extended ang border control sa Germany, Austria, Denmark, Sweden at Norway