in

Villaggio Filippino, sa ikalawang taon sa Festival dell’Oriente

Itinampok muli ang kulturang Pilipino at nakipagsabayan sa iba’t ibang kultura sa ginanap na Festival dell’Oriente sa Roma. 

 

Roma, Mayo 13, 2016 – Sa ikalawang taon ay natunghayang muli ang kultura ng Pilipinas sa biggest annual cultural event, ang  Festival dell’Oriente sa pangunguna ng Enfid-Italy

Nagtagal ng tatlong weekend ang festival sa Roma: mula April 22, 23, 24 at 25; April 29, 30 at May 1 at mula May 6, 7 at 8 sa Fiera di Roma. 

Sa pakikipagtulungan ng Mayumi Spa at City Travel at nina Madir Jho at Direk Benjie Barcellano ay muling nakipagsabayan ang ‘Villaggio Filippino’ sa iba pang mga bansa ng Silangan gaya ng: India, China, Japan, Thailand, South Korea, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Bangladesh, Mongolia, Nepal, Rajasthan, Sri Lanka, Burma, at Tibet.

Tampok sa sampung araw ng festival ang iba’t ibang kultura. Mula sa mga cultural shows at exhibitions, mayroon ding mga bazaars, food and trade booths, natural medicines and martial arts exhibitions. Makikita rin na may mga traditional massages, natural theraphies at yoga sa buong tatlong pavilion ng Fiera di Roma.

Bukod sa tatlong pavilion ng festival noong nakaraang taon ay nadagdagan pa ito ng tatlong pavilion, 2 ang Latin American, at ang Irish Festival. Bawat pavilion ay mayroong  ‘simultaneous cultural performances’ na naghahatid naman ng higit na tuwa at partesipasyon sa lahat ng mga manonood. 

Hindi nagpahuli ang Pilipinas kung saan humakot din ng mga bisita at dayuhan sa ‘Villaggio Filippino‘, ang cultural booth. Ang pangunahing dekorasyon dito ay ang halos life-size replica ng Bahay-Kubo na simbolo ng payak na pamumuhay sa Pilipinas. May munting hardin na nakapalibot sa kubo. Isang modernong abaca filipinana gown at tradisyunal na barong tagalog ang makikitang nasa bukana ng villaggio na tila nagbibigay pugay sa bawat panauhin nito. 

Sari-saring mga produktong Pilipino ang naka-display: mga sumbrerong gawa sa fiber; traditional filipinian dress; native accessories tulad hikaw, bracelet at kwintas; ang iba naman ay gawa sa mother pearl; banig at abaca handwoven bags, mga salakot, mga tela na tipikal sa Benguet, isang pares ng belo at handbag na may details ng lace at abaca.

Kapansin-pansin din ngayong taon ang pagbibigay halaga sa turismo ng ating bansa. Sa tulong ng City Travel, isa sa mga matatag at mapagkakatiwalaang travel agency na pag-aari ng Pilipino sa Roma, ay namigay ng mga magagandang larawan, brochures, mapa at guidebooks upang tuluyang mahikayat ang mga bisita na piliing mag-bakasyon sa Pilipinas.  

Hindi kami nagsisisi sa City Travel na maging bahagi ng festival. Maganda ang layunin nito para sa ting mga Pilipino sa Roma at para sa ating bansang Pilipinas”, ayon kay Norma Bartolome. 

Bukod dito ay patok na patok, tulad noong nakaraang taon, sa loob ng 10 araw ang masaheng  sariling atin – ang hilot. Mula sa Mayumi Spa – ang kauna-unahang spa na may serbisyong hilot dito sa Roma. Ayon kay Rosalud dela Rosa, may-ari ng spa at aktibong bahagi ng organization, “They (manghihilot) were specially trained  in our training center  to practice the Filipino massage Hilot.”

“At dahil sa na-appreciate nila ito last year, we expected talagang more guests na susubok ng ating Filipino massage”, dagdag pa ni Rosalud. 

 

PINOY TEENS SALINLAHI 

Samantala, humakot din ng papuri ang ating mga local cultural performers. Una na dito ang  Pinoy Teens na  isa sa mga grupong tumanggap ng pinaka malakas at pinaka mahabang palakpak matapos magpasiklab sa harap ng audience sa dalawang araw na performance ng grupo. 

Sa pangunguna ng presidente ng grupo na si Lina Santos, sinayaw ng mga kabataang may edad mula 7 hanggang 18 ang mga katutubong sayaw gaya ng Tiklos, Subli, Binoyugan, Sakuting, at Tinikling. Layunin ng grupo ang manatili ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga katutubong sayaw sasecond generation Filipino youth sa Roma at hindi ito makalimutan ng mga susunod na henerasyon.

 

KAYUMANGGI DANCE COMPANY

Maging ang isa sa pinaka matatag na mga cultural group sa Roma ay nagpa-unlak sa ginanap na festival, ang Kayumanggi Dance Company. Sa pangunguna ni Dulcie Mendoza ay ipinamalas ng grupo ang makasaysayang sayaw ng Paseo de Iloilo, Timawa at Aray. 

 

KALAHI DANCE ENSEMBLE

Sa huling linggo ng festival, ilang katutubong sayaw ang nasaksihan mula sa Kalahi Dance Ensemble. Sakapaya mula Kalinga tribe Igorot at Ragragsagan mula Cordillera. 

Sa pangunguna nina Lani Lugtu at annalyn Colot ay Ikinagagalak ng grupo ang kanilang partesipasyon sa ikalawang pagkakataon sa festival at inaasahan na maibahagi pa nila ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sayaw.

 

ULNOS D MOUNTAIN PROVINCE Organization

Apayao courtship dance o ligawan ang ipinakitang sayaw ng mga tunay na native Igorot.

Dahil ang mga miyembro ng grupo ay mula sa CAR o Cordillera Administrative Region na kumakatawan sa anim na probinsya: Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga and Mountain Province.

Ang Ulnos ay nangangahulugan ng pagkakaisa dahil karamihan sa kanilang mga miyembro ay buhat sa Mt. Province. 

 

BLACK SQUADRON

Hindi rin nagpahuli sa martial arts ang Black Squadron Combat and Street Fighting Force sa pangunguna ni maestro Dante Atajar. Tampok ang 30 miyembro nito, ipinakita ng mga kabataan ang wastong disiplina at kung paano maipagtatangol ang kanilang mga sarili sa oras ng pangangailangan.

Hinangaan at pinalakpakan ang mga kabataang Pilipino sa tikas, husay at bilis pagdating sa karate. 

Ang karate o ang lahat ng klase ng martial atrs ay napakahalaga. Ito ay isang bagay na kahit sa pag tanda natin ay ating madadala at maipamamana sa ating mga anak, hindi lamang para ipagtangol ang sarili pati na rin ang mabuo ang matibay na pagti tiwala sa sarili at disiplina na napakahalaga hindi lamang sa sport”, ang mensahe sa pagtatapos ni Maestro.

 

Sa pagtatapos ng sampung araw na festival, lubos ang pasasalamat ng mga pangunahing organizers: Pia Gonzalez, Rosalud dela Rosa, Madir Jho, ang designer at Benjie Barcellano, ang direktor. 

Mula po sa kaibuturan ng aming mga puso, maraming maraming salamat po!”, pagtatapos ng apat. 

 

 

ni: PGA

larawan nina: Boyet Abucay, Stefano Romano, Benjamin Barcellano 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halalan 2016: Social Media, Simbahan at mga parulatsa na nagpanalo kay Mayor Duterte

Higit sa 2 kilong shabu, kumpiskado sa Roma