Higit sa dalawang kilong shabu na nakalagay sa mga canned goods ang kinumpiska ng mga carabinieri sa Roma.
Rome, Mayo 13, 2016 – Higit sa dalawang kilong shabu na nakalagay sa iba’t ibang canned goods ang kinumpiska ng mga carabinieri sa Roma.
Ito ang pinaka madaming shabu na nakumpiska ng awtoridad na naitala sa Italya at marahil isa sa pinakamahalaga sa Europa.
Ayon sa report, isang sasakyan ang nakita ng mga nagpa-patrol na carabinieri sa Trionfale na tumatakbong pasalubong o pasalungat ng direksyon. Hininto ng awtoridad ang sasakyan, sakay ang magkapatid na Pilipino, 41 at 33 anyos, upang multahan sa naging paglabag ng mga ito.
Naging kahina-hinala ang ikinilos ng magkapatid, dahilan upang palalimin ng awtoridad ang pagko-kontrol.
Sa katunayan, sa tahanan ng magkapatid ay natagpuan ang 2.258 kilos na shabu na nakalagay sa loob ng iba’t ibang canned goods.
Ang nakumpiska ay nagkakahalaga ng higit sa isang milyong euro.