in

Cappuccino at kapeng barako

Hindi hadlang ang pagkakaiba sa kultura, tradisyon, paniniwala at relihiyon. Narito po ang isang kathang-isip na istorya ukol sa pagmamahalan ng dalawang tao. Anumang pagkakatulad sa pangalan at kaganapan ay hindi sinasadya at isang pagkakataon lamang. 

 

Cappuccino at kapeng barako! Isa lamang ito sa mga bagay na nagbubuklod sa kanilang pagsasama. Tuwing umaga ay tatlong magkakaibang inuming mainit ang inihahanda ni Teody , cappuccino para kay Benito ang  kanyang asawang italyano, mainit na gatas para sa kanilang anak  na si Manuel at kapeng barako na mula pa sa murang edad ay nakagisnan na ni Teody. Marami pang mga maliliit na sitwasyon, kaugalian at kilos ang dulot ng magkaiba nilang mga kultura ay malimit maging sanhi ng kanilang pagtatalo. 

Love at first sight daw ang nangyari sa dalawa. Nag-aabang ng autobus si Teody sa may Piazza Venezia patungo sa part time job niya sa may San Pietro nang dumadaan naman ang grupo ni Ben na nagrarally kontra sa dumadaming imigrato sa Italya.  Mataas at black beauty si Teody kaya’t napansin ni Ben ang dalagang naghihintay ng masasakyan. Bigla itong humiwalay sa korteo at tumabi sa pilipina. Simula noon ay hindi na sila naghiwalay.

Umuwi sila sa Batangas, bayang sinilangan ng dalaga upang magpakasal sa simbahan.

Pagkatapos mong umigib ng tubig ay magsisibak ka ng kahoy paturo ka sa tatay ko”, nakangiting ipinaliwanag ni Teody ang paninilbihan sa kanyang kasintahang italyano. Sa kagustuhang mapalapit sa pamilya ng pilipina ay mabilis itong natuto ng tagalog. 

Oo na at lahat ng matanda ay magmamano ako”, pabirong sagot ng lalaki.

Matapos ang kasal sa Pilipinas ay nagpakasal naman sila sa City Hall ng Roma para naman sa mga kamag anak at kaibigan sa Italya. Nagkataong pareho silang nagtapos bilang nurse subalit normal lamang na nakapasok agad si Ben sa isang bagong bukas na public hospital sa may Eur samantalang si Teody ay isang Badante o health aide sa dalawang mayamang pamilya kung saan siya ay nagpapalipat lipat upng asikasuhin ang pensiyonadong mga amo.  Nakaipon agad ang dalawa upang mapaghandaan ang dalawang kasal. Tanging ang tunay na pagmamahal sa isat isa ang nagpapatibay sa kanilang pagsasamang punong puno ng magkataliwas na pananaw dahil narin sa magkaibang kultura ng dalawa.

WIKA: Italiano ang wika ni Ben. Tagalog ang wika ni Teody. English ang neutral language ng dalawa.

Amoo’ natuto na si ako ng tagalog dapat si ikaw mag-aral ng italiano”, malimit sabihin ni Ben noong una nilang pagsasama.

Non problema io andare a scuola per imparare quick”, pabirong sagot ng maybahay.

RELIHIYON: Katoliko at laman ng simbahan si Teody.  Katoliko at laman ng football stadium si Ben.

Amore pwede bang magsuot ka ng formal sa pagsimba at hindi yung kahit summer ay suot mo ang sciarpa ng Roma?”  May inis sa boses ng asawang pinay habang pinagpapalit ng damit ang kabiyak na italyano.

Amoo’ malalate ako sa partita kung babalik pa ako sa bahay para magpalit ng damit”, paliwanag ng avid Roma fan sa mahal na asawa.

PAGKAIN: Pasta ang paborito ng lalaki. Kanin at adobo ang paborito ng babae. Mabuti na lamang at masarap at parehong mahilig sa pagluluto ang dalawa.

Amoo’ vieni che sta per iniziare er Masterchef”, sigaw ni Ben habang nanonood ng paboritong TV program na pagluluto.

Eccomi  sta sera ho inventato l’insalata di matrimonio misto!”, may galak sa boses ni Teody habang iniaabot kay Ben ang inimbentong salad.

Amoo’ te vojo vede’ ar prossimo Masterchef con questa insalata. Che bonta di Dio!!”, papuri ng asawa sa maybahay habang masayang kinakain ng dalawa ang pinaghalong mangga at pesca at lattuga na pinalasa ng balsamic  vinegar, olive oil at brown sugar chips.  

POLITIKA:  Kanan si Mister, Kaliwa si Misis!

Amoo’  dove sta il busto di mussolini che mi ha regalato mio padre?”, tanong ni Ben.

Nasa study room katabi ng busto ni Jose Rizal na bigay ng tatay ko”, sagot ng asawa.  Our political position must remain within the context of our minds so study room sila and not within the social aspect of our family life so inalis ko sila pareho sa living room.

At heto na nang nanganak si Teody; PANGALAN NG ANAK!

Amoo’ mettiamo ie nome di mio padre, Italo!”, nakangiting wika ng asawa habang hinihimas ang buhok ng kapapanganak na maybahay.

Amore ma se invece chiamiamolo Felipe come mio padre?”. Nakangiti ding sagot ng hiluhang bagong nanay. Simula noong malaman nila na buntis sa isang batang lalaki si Teody ay malimit na nilang pag-usapan ang ipapangalan sa darating na anak at sa katapusan ay nagkasundo ang dalawa na Manuel ang ibinyag na pangalan ng anak na malayo sa makabayang pangalan ng mga lolo at malapit naman sa Panginoon.

At heto na si Manuel, sampung taon gulang, magandang lalaki at mestisuhin, kulot ang buhok na mana sa ina at kulay blue ang matang nakuha sa ama. Matalinong bata at fluent sa “ala ey” tagalog, “an dovvai?” italiano at “its okay?” english.  Kapag linggo ay sakristano ng Urabana Filcom Church ngunit sa loob ng mahabang sutana ay suot ang football shirt ni Francesco Totti.

Ito ang kanilang kaisa-isang anak na buklod at nagpatibay pa sa kanilang pagmamahalan at nagbigay-kulay sa kanilang magkaibang kultura at kaugalian.

 

ni: Tomasino De Roma

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Higit sa 2 kilong shabu, kumpiskado sa Roma

Nagbukas ng sariling negosyo, paano na ang permit to stay?