in

Mag-aaral na dayuhan, halos 10% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral

Ang bilang ng mga dayuhang mag-aaral sa Italya ay 814,000, kung saan ang 55% ng bilang na ito ay ipinanganak sa Italya. Ikalima sa pinakamalaking bilang ang mga Filipino students. Narito ang ulat ng Minsitry of Education sa Ismu foundation para sa school year 2014/15 

 

Roma, Mayo 16, 2016 – Inilunsad kamakailan ng Ministry of Education at Ismu Foundation ang “Alunni con cittadinanza non italiana”, ito ay ang national report ng mga mag-aaral na hindi italian citizen sa bansa. Ito ay batay sa school year 2014-2015 kung saan ang bilang ng mga mag-aaral na dayuhan sa Italya ay 814,187 o 9,2% ng kabuuang bilang ng mga enrolled na mag-aaral. 

Sa kabila ng patuloy na pagbaba sa bilang sa mga huling taon ng mga dumadating na imigrante sa Italya dahil sa krisis sa ekonomiya, ay patuloy naman sa pagtaas ang bilang ng mga mag-aaral: sa school year 2001/02 ay 196,414 o ang 2.2%; at sa pagitan ng 2009/2010 at 2014/2015 ay tumaas sa 20.9%. Kumpara sa isang pagbaba ng -2.7% sa bilang ng mga Italians (mula 8,283,493 sa 8,058,397) at isang pagbaba ng -0.9% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral (mula 8,957,085 sa 8,872,584).

Nangunguna sa talaan ang mababang paaralan o elementarya kung saan may 291,782 (10.4% ng kabuuang bilang) mga mag-aaral na hindi italian citizens, sinusundan ng mag-aaral sa Senior High School na 187,357 (7% ng kabuuan), Junior High school na 167,068 (9,6%), at panghuli ang nursery school (10.2%). At huwag magkamaling tawagin ang mga ito na imigrante dahil ang karamihan o ang 55.3% ng kabuuan ay ipinanganak at lumaki sa Italya at sa katunayan sa nursery school ay 84.8% ng mga mag-aaral na hindi Italian citizen ay sa Italya ipinanganak. 

Sa anong bansa nanggaling naman ang kanilang mga magulang? Sa school year 2014/15 ang mga mag-aaral na Romanians ang pinakamarami (157,153), sinundan naman ng mga Albanians (108,331) at Moroccans (101,584). Bagaman malaki ang pagitan, ay sumunod ang mga Chinese (41,707) at ang mga Filipinos (26,132). 

Lombardy region ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga enrollees  (201,633), na sinusundan ng Emilia Romagna at Veneto (mahigit 90,000), Lazio at Piedmont (higit sa 70,000), ngunit kung papansinin ang incidence nito sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral ay nangunguna ang Emilia Romagna na may 15.5%. 

Nangungunang lalawigan ang Milan kung saan mayroong 80,333 at sinundan ng Rome na may 61,172, Turin 37,920. 

Panatag naman kung tema ng ‘ghetto school’ ang pag-uusapan. Dahil sa school year 2014/15 ay mayroong 2,855 paaralan ang mayroong higit sa 30% na non-Italian students ( ang 5.1% ng kabuuang bilang ng mga paaralan) at 569 (o ang 1%) lamang ang paaralang mayroong higit na non-Italians na mga mag-aaral na karaniwang nursery at elementary schools. Huwag kalimutan na karamihan sa mga kabataang ito ay sa Italya ipinanganak at lumalaki kung kaya’t hindi suliranin ang wika bilang hadlang sa scholastic integration. 

Samantala dapat namang tutukan ang mataas na datos ng scholastic delayed na bumama mula 40.7% noong 2010/11 sa 34.4% ng 2014/15 na nananatiling mataas. Tulad ng early school leavers sa mga Europeans ay 34.4% ng mga kabataan mula 18 hanggang 24 anyos kumpara sa 27.1% ng mga non-Europeans at ang 13.6% ng mga Italians. At ang mga inactive youth o NEET o Not (engaged) in Education, Employment or Training naman ay umabot sa 32.8% ang mga Europeans, 35.4% naman ang mga non-Europeans at 25.14% naman ang mga Italians. 

 

Miur – Ismu: “Alunni con cittadinanza non italiana. La scuola multiculturale nei contesti locali. Rapporto nazionale. A.s. 2014/2015”. (Sintesi)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nagbukas ng sariling negosyo, paano na ang permit to stay?

Analiza Bueno, kandidato bilang Konsehal sa Comune di Roma sa nalalapit na halalang lokal