Ako ay naninirahan sa Italya ng anim na taon na at nais kong mag-aplay ng carta di soggiorno. Maaari bang mag-aplay din nito ang aking asawa na dumating sa Italya ilang taon pagkatapos ko?
Ang batas, sa ilang kundisyon, ay nagbibigay posibilidad na mag-aplay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno, para sa kanya at para sa miyembro ng mga pamilya.
Kung ang aplikasyon ay para rin sa mga miyembro ng pamilya, ay ipinapaalala na sila ay dapat na mayroong balidong permit to stay ng hindi bababa sa limang taon, tulad ng binanggit sa isang sentensya ng Court of Justice ng European Union noong 2014.
Kung ang aplikasyon ay para lamang sa aplikante, kailangang patunayan ang:
- pagkakaroon ng balidong permit to stay ng limang taon na;
- pagkakaroon ng sahod na hindi bababa sa halaga ng assegno sociale ng taon ng aplikasyon;
- pasado sa italian language test o ang pagkakaroon ng sertipiko na ang antas ay hindi bababa A2;
- pagkakaroon ng sertipiko ng angkop na tahanan o idoneità alloggiativa.
Ngunit kung ang aplikasyon ay para rin sa mga miyembro ng pamilya ay kailangang isaalang-alang bukod sa limang taong requirement, ang mga miyembro ng pamilya na may edad higit sa 14 anyos ay kailangang sumailalim sa italian language test o hindi kung kabilang sa listahan ng mga exempted sa test.
Bukod dito, sa aplikasyon ng EC long term residence permit para sa miyembro ng pamilya, ay kailangang:
- patunayan na ang sahod o kita ay angkop sa hinihingi ng batas para sa family reunification
Kung ang aplikasyon ng carta di soggiorno ay isinumite ng mayroong international protection status, mangyaring tandaan na sila ay hindi kinakailangang sumailalim sa italian language test kahit ang magsumite ng idoneita alloggiativa at sapat ng tukuyin ang address.
ni: D.ssa Maria Elena Arguello
isinalin sa tagalog: PGA