“RECONNECT! When the time’s ripe, I answer you. When victory’s due, I help you. I form you and use you, to reconnect the people with me”.
Roma, Mayo 17, 2016 – Ito ang tema ng malawakang pamphlets distribution na ginawa ng INC sa Roma noong May 14 at 15.
Bahagi ng Worldwide Intensive Propagation, layunin ng pamphlets distribution ang ipakilala ang Iglesia at ipabatid ang aral nito at mensahe ng Diyos sa buong mundo.
Partikular, ang malawakang pamphlets distribution ay ginawa sa Roma dahil na rin sa laki ng populasyon ng mga Pilipino dito: 47,500; dami ng mga dumadagsang turista at lalong palaguin at palalimin ang pananampalataya sa Iglesia kahit sa hindi mga Pilipino.
Tinarget sa Roma ang mga lugar kung saan maraming tao, turista man o hindi, upang ikalat ang mga pamphlets tulad ng Vatican, Piazza del Popolo, Colosseo, Piazza Spagna. Samantala, hindi rin pinalampas ang mga lugar kung saan maraming mga Pilipino tulad ng Via Cassia, P.zz Mancini, Marconi at Eur.
Bukod sa kasaysayan at kasalukuyang sitwasyon ng Iglesia, ang pamphlets ay naglalaman rin ng pagpapalawak at misyong iparating ang mensahe ng pananampalataya.
Sa Roma lamang, ang miyembro ng INC ay halos 2,500. Mayroong apat na simbahan, ang Mother Lokal sa Boccea, ang Roma Nord sa Grottarosa, Roma EST sa Tiburtina at Roma SUD sa Porta Furba.
ni: PGA