in

Permit to stay at Citizenship para sa same-sex civil union ng mga imigrante

Ang pagkilala sa same-sex civil union o legal na pagsasama ng parehong kasarian ay magkakaroon ng mahalagang epekto sa Italya. Mula sa karapatang regular na paninirahan kasama ang partner hanggang sa pagiging Italian citizen.  

 

Roma, Mayo 19, 2016 – Sa lalong madaling panahon ang Italya ay magkakaroon ng batas para sa ‘unione civile’. Isang mahalagang balita para sa daan-daang mga homosexual migrants na kikilalanin ng batas ang kanilang pagsasama bagaman may bahagyang karagdagang proseso kumpara sa mga Italians. 

Ang panukala ay inaprubahan ng Chamber of Deputies noong nakaraang May 11 ngunit hindi pa isinasabatas sa pamamagitan ng pagpirma ng Presidente ng Italya, Sergio Matarella. Ito ay magpapantay, sa maraming konteksto sa civil union at sa marriage. Partikular, nasasaad na “ang probisyon na tumutukoy sa kasal at mga probisyon na nagtataglay ng salitang “asawa, mag-asawa, kabiyak o katulad na salita, saan man matatagpuan sa batas at saan may bisa ang batas, sa regulasyon at mga administrative documents, sa collective contracts, ay ilalagay din, sa bawat bahagi nito ang civil union ng parehong kasarian”.

Ito ay para rin sa batas ukol sa imigrasyon at citizenship. Kung saan tinutukoy ang “mag-asawa, asawa, kabiyak at iba pa, ang mga salitang ito ay palalawakin na tila tumutukoy rin sa kabiyak ng kaparehong kasarian”. 

Halimbawa, ang isang dayuhang regular na residente sa Italya. Kung legal na nakikisama sa isang dayuhan din, ang huling nabanggit ay maaaring mag-aplay ng permit to stay per motivi familiari. O kung ang isang imigrante ay kasal na sa ibang bansa, ang kasal na ito sa kaparehong kasarian ay kikilalanin rin sa Italya at maaaring mag-aplay ng family reunification para sa kanyang partner. 

Mahalagang balita rin para sa mixed couples, o isang Italyano at isang dayuhan. Ang huling nabanggit ay maaaring magkaroon sa lalong madaling panahon ng carta di soggiorno para sa miyembro ng pamilya, na magpapahintulot sa regular na pamumuhay sa Italya kasama ang kanyang partner. Bukod dito, makalipas ang dalawang taon, ay maaaring mag-aplay ng Italian citizenship, tulad ng kasalukuyang ipinatutupad ng batas kung kasal ang mag-asawa. 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Malawakang pamphlets distribution, isinagawa ng INC sa Roma

Meloni: “Mga imigrante na nasasangkot sa krimen, patatalsikin”