“Maraming dumadating sa Roma na ginagawa ang lahat ng gusto. Kung ang isang imigrante ay iligal na nanirahan sa isang gusali, ginagawa ang anumang gusto at nagiging sanhi ng krimen, siya ay dapat pabalikin sa sariling bansa”.
Roma, Mayo 19, 2016 – Ito ang mga binitawang salita ni Giorgia Meloni, ang kandidato bilang Alkalde ng Roma ng partidong FI sa isang videointerview ng Askanews.
Dagdag pa ni Meloni, “Kahit ang kaso ng mga gypsies ay nangangailangan ng mahusay na pagpapatakbo. Kung ikaw ay isang nomade at hindi permanente, bibigyan kita ng lugar kung saan maaaring pansamantalang manirahan ng anim na buwan, bibigyan ng kuryente na babayaran at pagkatapos ay lilisanin na itong lugar. Kung hindi naman at isang permanente, pipila ka para magkaroon ng pabahay o bibili ka ng sariling bahay tulad ng marami. Salungat ako sa panlilimos ng mga bata at samakatwid, sinasabi ko ngayon pa lamang, ito ay isang matinding laban”.