in

Mga Pinoy sa Piemente, ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan

“Unity, Sharing towards Progress”

 

Turin, Hunyo 17, 2016 – Pinangunahan ng FEDFAP o Federation of Filipino Association in Piemonte ang selebrasyon ng paggunita sa Araw ng Kalayaan noong nakaraang June 12 na ginanap sa Via Trofarello 10 Turin, Italy.

Panauhing pandangal si Honorary Consul Maria Grazia Cavallo at ng asawa nito sa pagdiriwang na dinaluhan ng higit sa 150 katao sa kabila ng maraming kasabay na pagdiriwang. 

Nakiisa ang mga grupo tulad ng ACFIL o Associazione Culturale Filippina del Pimonte, IGT o Ilokano Group of Turin, FILSET o Filipino Seniors of Turin, JGGM o Jesus Glorious Global Ministry, JIL o Jesus is Lord, GTT o Group of Tingiuans of Turin at  Filcom ALBA at CUNEO buhat sa ilang rehiyon ng Piedmont.

 

Tampok ang pistang Pinoy tulad ng mga traditional dances, makabayang awitin at masagang hapag na buhat mismo sa mga dumalo na masayang pinagsaluhan ng lahat. 

Kaugnay sa tema ng pagdiriwang ngayong taon: “Pagkakaisa, Pag-aambagan, Pagsulong”, isang mahalaga at malalim na katanungan ang iniwan ni Ana Josefa Eugenio, ang co-chairman ng Independence Day event sa kanyang pambunagd na salita: “Hanggang saan masusukat ang kalayaan”.

Iba-iba naman ang ipinahayag na opinyon ng bawat lider ng mga dumalong grupo.

Unity, sharing towards progress. Napatunayan muli na sa tuwing may selebrasyon ay makikita sa mukha ang excitement ng mga dumalo at lalong higit nangibabaw ang pagtutulungan! Nakakataba ng puso”, ayon Minda Teves.

Puno naman ng pag-asang makakamtan ang tunay na pagkakaisa tungo sa kaunlaran ni Mario Pedrialva, ang presidente ng FEDFAP at Chairman ng Independence day event.

 

ni: PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Araw ng Kalayaan, ipinagdiwang sa South Italy

Araw ng Kalayaan sa Roma, dinaluhan ng higit sa 6,000 katao