in

July 7, deadline ng pagpapa-rehistro sa mga foreign students

Hanggang July 7 ang registration sa mga embahada at konsulado sa sariling bansa para sa mga mag-aaral na nais  makapag-aral sa Italya. Sa Agosto ang entry visa.

 

Roma, Hunyo 28, 2016 – July 7 ang deadline para sa registration ng mga freshmen na nais puamsok sa unibersidad, akademya o konserbatoryo sa Italya.

Ito ay nakalaan lamang sa mga mag-aaral na naninirahan sa non-European countries. Samantala, ang mga dayuhang naninirahan na sa Italya, kasama ang anak ng mga imigrante, ay maaaring makapag-enroll  sa mga unibersidad sa parehong kundisyon at proseso tulad ng mga Italians. 

Sa mga mag-aaral na darating buhat sa ibang bansa, ang mga unibersidad, akademya o konserbatoryo ay naglalaan taun-taon ng angkop na bilang sa bawat kurso. Ito ay matatagpuan sa website Studiare in Italia, na nilikha ng Ministry of Education, University and Research, kasama ang mga regulasyon, instruction at mga forms na gagamitin para sa registration. 

Ang mga aplikasyon ay dapat na isumite sa Italian Embassy sa sariling bansa, na tumatanggap ng mga aplikasyon at magpapadala ng mga ito sa mga unibersidad. Ang mga mag-aaral na may sapat na dokumentayson, ay bibigyan ng entry visa sa katapusan ng Agosto. 

Pagdating sa Italya, ay kanilang haharapin ang mga huling hakbang. Una sa lahat, ang obligadong Italian language exam, maliban sa ilang exemption. Samakatwid, pati ang entrance exam para sa mga pumili ng quota course. Ang mga papasa lamang ang maaaring magkaroon ng permit to stay para sa pag-aaral at makakapag-enroll ng tuluyan.

Ayon sa Ministry of Education, sa unibersidad, sa academic year 2013/2014, ay nagkaroon ng 70,000 enrollees na dayuhan o 4.2% ng mga mag-aaral. Patuloy ang pagtaas ng bilang ngunit ito ay nananatiling mababa pa rin kumpara sa average number sa Europa na nasa 8%. Lalong higit ang malaking bahagi ng mga kabataang ito ay nagtapos ng high school sa Italya o ang mga itinuturing na ikalawang henerasyon. 

Ngunit sa kasalukuyan, sa Italya ay walang pagkakataon sa magandang trabaho o propesyon, scholarship, dormitory at kahit mga English course. Mga pangunahing bagay na nakaka-akit sa mga mag-aaral na inaasahang future brain ng bansa. 

Norme per l’accesso degli studenti stranieri ai corsi universitari anno accademico 2016-2017

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Virginia Raggi, nanumpa bilang unang babaeng Alkalde ng Roma

3-child policy, isusulong ni Rodrigo Duterte