Dapat isaalang-alang ng awtoridad ang sasahurin ng aplikante at hindi lamang ang mga naunang sinahod. Narito ang isang mahalagang hatol mula sa Consiglio di Stato
Roma, Hulyo 6, 2016 – Kung hindi sapat ang kinita ngayon, magkano ang tatanggapin pang sahod sa hinaharap?
Ito ang dapat itanong ng Questura sa kanilang pagsusuri sa renewal ng mga permit to stay ng mga dayuhang kasisimula pa lamang sa trabaho. Upang gawin ito, sapat ng suriin ang employment contract: ang duration, oras at sahod.
Ang magpapatunay sa prinsipyong ito na maaaring makasalba sa maraming mga imigrante dahil sa kasalukuyang krisis sa ekonomiya ay ang isang mahalagang hatol noong nakaraang June 22 ng Council of State.
Isang Moroccan na residente sa Rovigo, ang nag-aplay ng renewal ng permit to stay noong 2014. Ang tinanggap na sahod sa panahong iyon ay hindi umabot sa minimum required ng batas dahil ilang buwan pa lamang na nagta-trabaho sa farm ang aplikante na may permanent employment contract o tempo indeterminato at part time ng 75%. Sa aplikasyon ay nilakip ng dayuhan ang mga naunang payroll (o busta paga) na natanggap ngunit ang mga ito ay hindi sapat upang maabot ang minimum required.
Tinanggihan ng Questura ang renewal ngunit ang dayuhan ay nagsumite ng reklamo. Ito ay tinanggihan ng Tar at kinumpirma ang mga “dokumento na isinumite ay hindi sapat na katibayan upang maituring na permanente ang trabaho”.
Ngunit ang hatol ay binawi ng Council of State: tinanggap ang reklamo at ang Questura ay dapat suriin muli ang posisyon ng imigrante “sa pamamagitan ng mga patunay ng trabaho”.
“Ang Questura – tulad ng mababasa sa hatol – sa pagkakaroon ng employment contract ng iilang buwan pa lamang, ay hindi dapat suriin ang halaga ng tinanggap na sahod lamang na siguradong hindi sapat, ngunit dapat isaalang-alang ang uri ng kontrata, at bigyang halaga kung full time o part time, sa pamamagitan ng oras ng trabaho at kung ito ay indeterminato o determinato, at dapat na isaalang-alang sa huling nabanggit ang duration nito upang makalkula ang kinakailangang sahod para sa renewal ng permit to stay”.
“Sa ganitong kaso ay maiiwasang maapektuhan ang mga mamamayang dayuhan na mayroong employment contract ng iilang buwan pa lamang sa renewal ng kanilang permit to stay ng Questura, lalo na sa panahong mahirap makahanap ng matatag na trabaho”.
Basahin ang hatol ng Council of State