Mag-isang nakauwi sa Mariel sa sariling tahanan nito matapos ang ma-confined ng siyam na araw sa Santo Spirito hospital sa Roma.
Roma, Agosto 2, 2016 – “Maayos ang sitwasyon ni Mariel!”.
Masayang ibinalita ni Eric Brosas na nasa maayos na sitwasyon ang kanyang asawa na si Mariel Coronation Agnis, ang iniulat na nawawala mula noong Huwebes July 21, 2016.
Ayon kay Eric, bandang alas 12:30 ng tanghali noong nakaraang Linggo, July 31 ng mag-isang nakauwi si Mariel sa kanilang appartment sa Marconi, Rome.
Dala-dala ni Mariel ang ‘foglio di dimissione’ ng Ospedale Santo Spirito na matatagpuan sa Lungotevere, kung saan na-confined mula July 22 hanggang July 31, araw kung kailan ini-released ng nabanggit na ospital si Mariel.
“Isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga kababayan, kamag-anak, kapamilya, kaibigan at mga kakilala, sa inyong taos pusong pagtulong, pagdamay at panalangin. Tunay po walang kapantay ang inyong mga malasakit, paghahanap at pagkakaisa. Maraming salamat po sa inyong lahat”, ang personal na pasasalamat ni Mariel sa kanyang facebook account.
Samantala, taos pusong pasasalamat din ang mensahe ni Eric sa lahat ng mga dumamay sa kanyang paghahanap sa asawa.
“Salamat po sa inyong lahat at ang masasabi ko lamang po ay maayos sa kasalukuyan ang kanyang kundisyon; regular ang pagkain, pagtulog at pag-inom ng gamot”
Natuwa rin ang bagong Labor Attaché ng POLO na si Ponciano Ligutum at hindi niya sukat akalain ang mabilis na pagkilos at pagkakaisa ng mga grupo, asosasyon, media at mga indibidwal sa Roma.
Bukod sa FilCom na mabilis na dumamay, naging aktibo rin sa pagtulong at nakipag-ugnayan sa Italian authorities ang Embahada ng Pilipinas sa pangunguna ni Consul General na si Adrian Bernie Candolada, ni Social Welfare Officer Precy Rason, Welfare Officer Hector pati na rin si Atty. Valentina Chianello, ang abugado na sumusubaybay naman sa legal na aspeto sa pagkawala ni Mariel.
Gayunpaman, ayon sa foglio di dimissione, mayroon pa ring mga medical visits at analysis na dapat gawin si Mariel.
PGA