in

Ang panunumpa bilang Italian citizen

Magandang umaga po. Ako ay nag-aplay ng Italian citizenship at sa wakas ay dumating na ang dekreto. Anu-ano ang mga hakbang na aking dapat gawin? 

 

Kapag natapos na ng positibo ang pagsusuri ng aplikasyon, ang concerned office ay ipagtitibay ang pagbibigay ng Italian citizenship na dapat ay ipagbigay alam (notipikasyon) sa aplikante sa loob ng 90 araw ng matanggap ito mula sa prefecture. 

Sa sandaling hawak na ng aplikante ang decreto ay kailangang magpunta sa Comune kung saan residente para gawin ang giuramento o panunumpa ng pagiging tapat sa Italian Republic. Ang formula na dapat sabihin ay: “Giuro di essere fedele alla Repubblica e di osservare la Costituzione e le leggi dello Stato“.

Ipinapaalala na makalipas ang anim na buwan mula sa notipikasyon, ang decreto di concessione di cittadinanza ay hindi na balido at wala ng epekto. Ito ay nangangahulugan na makalipas ang panahong nabanggit, ang aplikante ay kailangang muling simulan ang proseso at ulitin ang dokumentasyon, pati ang galing sa sariling bansa. 

Bawat Comune ay mayroong proseso at dokumentasyon na dapat sundin pati ang gastusin sa panunumpa. Mahalagang alamin muna sa Ufficio di Stato Civile ng Comune kung saan residente ang mga petsang available para sa panunumpa, kaukulang gastusin at ang marche da bollo pati na rin ang mga papeles (orihinal at mga kopya) na dapat dalhin sa araw ng panunumpa. 

Karaniwan, ang manunumpa ay kailangang magtungo sa Ufficio di Stato Civile, dala ang decreto di concessione della cittadinanza, ang permit to stay at balidong ID. Bukod dito, kung mayroong menor de edad na anak na ipinanganak sa labas ng Italya, ay kailangan rin ang kanilang permit to stay at translated, authenticated at legalized birth certificate. Ito ay magpapahintulot sa pagkakaroon ng Italian citizenship sa mga anak na menor de edad na kapisan. 

Ang panunumpa o giuramento ay ang panahon kung kailan ang mamamayan ay nangangako, sa pamamagitan ng pagbabasa ng formula, na susundin ang lahat ng obligasyon at magiging tagapagdala ng mga karapatang lakip ng pagiging mamamayang Italyano. At lahat ng mamamayang Italyano ay pantay-pantay sa batas, ng hindi isasaalang-alang kung by birth o naturalized. 

Isang araw makalipas ang panunumpa, ay nagiging tunay na Italian citizen. Maaari ng palitan ang carta d’identità sa Comune, ibalik ang permit to stay sa Questura at mag-request ng Italian passport sa Questura. Minsan, ay kinakailangang palitan ang surname sa pagkakaroon ng italian citizenship. Kailangang magtungo sa Agenzia dell’Entrate upang hingin ang correction ng fiscal code o codice fiscale. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mariel, nakauwing mag-isa matapos ma-confined sa ospital!

Permesso per studio maaaring i-convert sa permesso attesa occupazione?