in

Tag-int na ulit

Ang panahon ay mayroong iba’t ibang katangian batay sa uri nito: taglamig, tagsibol, tag-init at taglagas. Narito ang isang tula ukol sa tag-init!

 

Marami ang nagtataka, Marami ang nagtatanong

Kung bakit daw itong klima, Nagbabago taon-taon

Bakit nga ba may malamig, At mainit na panahon

Meron winter meron spring, Meron summer meron autumn

 

Pagsumapit na ang winter, Katawan ay nanlalambot

Ang lamig ay gumagapang, Sa balat ay nanunuot

Tumatagos sa kalamnan, Sa buto ay sumusuksok

Parang ayaw nang tumayo, Ang tuhod na nanlalambot

 

Ang araw ay nagtatago, Nawawala na ang init

Kung bagamat lumilitaw, Bahagya lang sumisilip

Nagsasabog ng mapanglaw, Na liwanag sa paligid

Sa lamig na dulot niya, Walang hindi manginginig

 

Pag sumapit ang Agosto, Ang lamig ay naglalaho

Lumalabas sa himlayan, Ang araw na nagtatago

Sa umaga pagsikat nya, Ang silanga’y kulay dugo

Naghahasik ng panganib, Pag sa balat ay dumapo

 

Ngayo’y ating nadarama, Ang init na nagngangalit

Na hatid ng haring araw, Pag Agosto ay sumapit

Kaya naman ang marami, Nagtatanggal na ng damit

Di na kayang tiisin pa, Ang init na sakdal lupit

 

Tabing dagat pagmasdan mo, Punong puno ng diwata

Mga hubad na katawan, Nakalatag na sa lupa

Bawat panig na tingnan mo, Sa kanan at sa kaliwa

Ingatan mong magkasala, Mga matang may malisya

 

Marami ang nagagalak, Pag Agosto’y dumating na

Madali lang ang magbihis, Konting saplot ay okey na

Isang pares ng bikini, Pag sinuot sa umaga

Isang bagay ang tiyak ko, Pag tinanggal maalat na

 

Pagkatapos nitong summer, Susunod na ang autumn

Nag-iiba na ang simoy, Naaayon sa panahon

Agosto ay natapos na, Tapos na rin ang bakasyon

I’ll see you on September, Saan ka man naroroon

 

ni: Letty M Manalo

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permit to stay ng mga menor de edad, may bayad na!

OFW Watch Italy, naglunsad ng Adyenda ng mga Manggagawang Pilipino sa Italya